Mag-log inKunot noo kong sinundan ng tingin si Sebastian hanggang sa makapasok siya sa loob ng sasakyan. Mula sa rearview mirror ay nag angat siya ng tingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niyang nakitang nakatingin ako sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.
"May nangyari sa inyo ni Miles?" diretsahan kong tanong. "P-po?" "Bakit ka nag so-sorry sa kanya?" Agad niya akong nilingon saka siya nagbaba ng tingin sa mga kamay kong hawak ang cellphone ni Miles. "Ako ang nakatanggap ng text message mo sa kanya." Nalukot ang mukha niya. "Bakit na sa'yo ang cellphone niya?" "Bakit ka muna nag so-sorry sa kanya?" Marahas siyang napabuga ng hangin. Muli pa siyang nagbaba ng tingin sa cellphone ni Miles na hawak ko bago umayos ng upo at binuhay ang makina. Kinulit ko siya nang kinulit habang nasa byahe kami pauwi sa bahay. Pero hindi niya ako pinapansin. Nanatili siyang tahimik na parang hindi naririnig ang mga pinagsasasabi ko. "Kumain ka na?" sinalubong ako ng tanong ni Spike pagkapasok na pagkapasok ko. Tumango ako. "Kumain kami ni Miles bago pumuntang airport." "Ahh. . ." tatango-tangong aniya. Kumunot ang noo ko nang napansin ang pag aalangan sa boses niya. Sinilip ko ang dining at nakitang may pagkaing nakahanda sa lamesa. "Uhh. . . Hindi nagsabi sa akin si Sebastian na tapos na pala kayong kumain." Napatitig ako sa kanya. Naghanda ba siya ng pagkain para sabay na kaming kumain ng dinner? "Ililigpit. . . Ko na lang," alanganin pa ring aniya. Ilang saglit pa'y tinalikuran niya ako at nagtungo siya sa dining table upang ligpitin ang mga pagkaing inihanda niya. "Alam mo ba sa Las Vegas, laging dalawang beses akong kumakain ng hapunan," sabi ko at lumapit na sa dining upang pigilan siya sa ginagawa niyang pagliligpit. "Ha?" Sigurado akong hindi pa siya kumakain. At sigurado akong hindi siya kakain ng mag isa. Matatapakan ang ego niya kapag ganun. "Wow! Hindi ko na maalala kung kailan ako huling kumain ng sweet and sour na tilapia." Naupo agad ako at nagsandok ng kanin. Ramdam ko ang titig niya sa akin habang dahan-dahan siyang umuupo sa harapan ko. "Are you sure you're fine eating again? Hindi ka nag d-diet?" Umiling ako. "I am not a model anymore. So I don't have to maintain this perfect coca cola body." Bahagya siyang natawa. "You should maintain that. I love that body of yours.," tila wala pa sa sariling sabi niya. Napataas ang dalawang kilay ko. Agad naman siyang nagbaba ng tingin at nagsandok ng pagkain niya. Sumubo siya ng isang kutsarang kanin na may ulam na parang walang pakialam kahit na nakatingin ako sa kanya. "Start eating." "You love my body?" Natigilan siya. Ilang saglit pa'y marahan niyang ibinaba ang mga kubyertos na hawak niya. "Serra. . . I was thinking. . ." Nagtaas ako ng isang kilay. Is he going to confess his feelings for me? "Nakausap ko si Rynette kanina," agad kong sabat upang mapigilan siya sa nais sana niyang sabihin. Because if he's going to confess. . . I think I'm not yet ready for it. I can't afford rejecting him. Bahagya siyang napaatras. "You talked to her. . ." tatango-tangong aniya. "I knew about that. We already talked too." "Anong sabi niya?" Umiling ako. "Ayaw niyang ibigay 'yong bata?" Kumunot ang noo niya. "Did you asked her like that?" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. "W-what do you mean?" naguguluhan kong tanong. "Did you rudely ask her? Dinahan-dahan mo dapat. Ipinaintindi mo muna sana 'yong side natin bago mo sinabi sa kanyang gusto natin ang anak niya." "Spike. . . Kahit anong gawin mong pagpapaintindi sa kanya, hindi niya tayo maiintindihan. So it's better to just direct her to the point. Kasi kesyo dahan-dahan o mabilisan, same ending pa rin 'yon. She'll get hurt." Marahas siyang napabuga ng hangin. "Pupunta tayo sa kanila bukas. We'll talk to her and to her husband since hindi lang naman kay Rynette 'yon." Tumango-tango ako. "Good idea," sabay subo ko ulit. Napapansin kong unti-unti nang napapasarap ang kain ko at sunod-sunod na ang mga subo ko kaya agad akong tumigil. "Busog na ako." "Halata naman," aniya at ngumisi. Inirapan ko siya. "Thanks for the dinner anyway." "Hindi pa ba natin bubuksan 'yong mga wedding gifts?" sabay nguso niya sa isang parte ng sala niya na napupuno ng napakaraming regalo. "Woah!" namamanghang usal ko. "Pumunta dito sina mama at lola kanina. Gusto sana nilang personal na ibigay sa atin ang mga regalo nila pero wala ka kaya ako na ang tumanggap. Mama gave us a cheque worth of ten million. Lola gave us another island in Palawan." Talagang natulala ako kay Spike. Ten million tapos isang isla? Parang ayaw ko nang makipaghiwalay kay Spike kung ganito naman karangya ang magiging buhay ko. "Oh! I love this family!" masayang turan ko. Tumango siya. "Don't get used to it. After nine months ay aalis ka rin naman." Sandali akong natigilan. He's still want me gone. So silly of me to think that he has a little bit of feelings for me. Paano ko nga ba 'yon naisip? Kasi pinagluto niya ako? Kasi I thought he made love with me last night? Ugh! Bobo ka, Serra! "What if I don't? What are the consequences of me not leaving you?" Nagtaas siya ng isang kilay. "Nasa kontrata 'yon." I was taken aback. Hindi ko yata nabasa ang parteng 'yon. "You'll be my sex slave forever." What the! "At bakit ayaw mong umalis? Do you have feelings for me already?" Agad akong napanganga. "Asa ka pa! Wala sa bokabularyo ko 'yan." Tumango siya. "Kaya ikaw ang pinili kong pakasalan kasi alam kong wala sa utak mo ang pagpapakasal at lalong lalo na ang pag ibig. I love your body, Serra. Just your body. My heart belongs to someone. So kung tingin mo ay nahuhulog ka na sa akin, humanap ka ng paraan para mapigilan 'yon. Baka ikasira pa ng mga plano ko." I gritted my teeth. Pagkatapos niya akong busugin ay ito ang mga sasabihin niya sa akin? Aba! Gago rin pala itong lalaking 'to, e! Kahit na inis na inis ako ay pinili ko pa ring maging kalmado. Hindi pwedeng maging talunan ako sa harapan niya. No! Never! Over my dead body! "If your heart belongs to someone. . . And you still marry me. Ibig sabihin, 'yang someone na tinutukoy mo ay may ibang someone." "She love me." Ngumisi ako. "Kaya pala wala kang time sa ibang babae kasi may isa kang gusto. Pero hindi mo nakuha. Do you want me to help you?" Ngumisi siya. Iyong nakakainis na ngisi niyang laging tinitipid. "No thanks." Nagkibit-balikat ako. "Fine. But if you changed your mind magsabi ka lang. You know I am good in bed. I can fuck her man so you can have her," sabay kindat ko sa kanya at tumayo na. Aalis na sana ako pero agad rin siyang tumayo at kunot noo akong hinarangan sa daraanan ko. "Do not cross the line, Serra. Being my wife is your only duty. Huwag kang makikialam sa mga plano ko." I smirked. "I have plans too, Spike. But don't worry, I am still your perfect wife. Too perfect na maiisip mong hindi ka bagay sa buhay ko." Inirapan ko siya't nilagpasan. Nagmadali agad ako paakyat sa kwarto. How dare he say na ang mahal niya lang ay ang katawan ko? Fuck him! Sana ay hindi na lang ako naawa sa kanya at sumabay sa kanyang kumain. I should've let him eat alone or die in hunger!SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







