LOGIN"Pagdating pa lang namin dito pansin ko na agad kung gaano siya kagwapo. Naranasan mo na ba ito, Serra? I mean, you had a lot of experiences with boys 'di ba? Have you ever felt like you want to see him more often? Like, everytime yata hahanap-hanapin mo siya. Pati sa pagtulog, napapanaginipan mo 'yong future niyong dalawa.Oh my goodness!"
Sumandal ako saka ipinagkrus ang aking mga braso. "I have never been in love, Miles. I don't know the feeling." Kumunot ang noo niya habang nakatingin kay Sebastian. Ilang sandali bago siya umayos ng upo at nilingon ako. "Hindi ka pa nai-inlove. Then what about Engineer Spike Guillermo?" Mabilis na nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako habang sinasalubong ang mga tingin sa akin ni Miles na puno ng katanungan. "Uhh. . ." "Don't tell me—" "Yes. We're not married because of that love thing. We're married because daddy made me his payment for his debts to Spike." Nanlaki ang mga mata niya. Umawang ang kanyang labi, nagbabalak na magsalita pero nanatiling tahimik. Tila nahihirapang hanapin ang tamang salita. "But, Miles, it's a secret. We have a contract. I just have to give him a baby and he'll give me the freedom I deserve." Marahan niyang ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata. Saka siya marahas na napabuga ng hangin. "I knew it. Tama ang hinala kong hindi nga kayo nagmamahalan ni Engineer Spike. And it was so foolish of me to believe for a while na mayroong love sa pagitan niyong dalawa. Because I saw how he cares for you. No'ng inalalayan ka niya kahapon sa kasal? Nakita ko, e. Napaniwala ako. But, god, Serra Madrigal! Bakit ka pumayag?!" she almost shouted at me. I can sense frustration in her trembling voice. Gustong-gusto niyang sumigaw pero dahil nasa public place kami ay sinusubukan niyang pigilan ang pagtaas ng kanyang boses. "I had no choice, Miles. We're bankrupt. Malaki ang utang na iniwan sa akin ni daddy. Hindi lang kay Spike. Marami. Marami ang gustong kumuha sa akin. I was once kidnapped. Kung hindi ako mananatili sa kanya ay baka mas lalo lang akong mapahamak." "Still. You're not safe with him. Sooner or later he'll be the worst person you'll ever met! Kasi kung pinapirma ka niya ng kontrata para sa kasal at sa putchang anak niya— Fuck, Serra! Hindi ka ba nag iisip?" "Miles—" "Tell me. Magkano ang lahat ng utang na kailangan mong bayaran. I can pay for it." Yeah. Marami siyang pera. Iyon ang naisip ko dati. Naisip ko ngang hihingi ako ng tulong sa kanya para masulosyunan ko ang lahat ng problemang iniwan ni daddy sa akin. But then I realized that this problem has nothing to do with them. Hindi ko na kailangan pang mandamay ng iba. I just have to marry him. Iyon na lang ang kapalit ng kalayaan ko. I shook my head. "You don't have to, Miles. I can handle this." "Mag re-resign na ako sa trabaho. Sasamahan kita dito sa Pilipinas." Mas lalo akong umiling. "Miles, no! Kaya ko na 'to." Natigilan siya. Pagkaraan ng ilang sandali ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Nag iwas siya ng tingin sa akin at agad iyong inalis. Matagal bago niya nagawang patigilan ang pagluha niya. She's not showy. At mahirap sa part niya na gusto niyang umiyak pero ayaw niyang makita ito ng kahit sino. "I'm sorry, Serra. I'm so sorry." Panay ang pag iling niya. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko inabot ang balikat niya at marahan iyong hinaplos. "I'll be okay here, Miles. You don't have to worry about me. I can handle this. Isa pa, hindi na ako pinipilit ni Spike na mabuntis. Pumayag siya sa suhestiyon kong mag adopt na lang kami ng baby. Kailangan niya ako para sa mamanahin niya. Siyam na buwan lang naman ang titiisin ko. Kaya ko na ito." Hindi siya nagsalita. Naghintay ako pero tila nawalan na siya ng ganang magsalita pa. Dumating ang mga order namin pero pati sa pagkain ay nawalan siya ng gana. Buong araw ay tahimik si Miles. Nawalan siya ng sigla. Kahit kasama namin si Sebastian ay parang wala siyang pakealam. Tila nakalimutan niya 'yong namumuo niyang feelings kay Sebastian dahil sa ginawa kong pag amin sa kanya. We went to different malls. Nag shopping, kumain, naglaro sa arcade pero kita kong hindi siya masaya. Night came and we finally bid our goodbyes. Isang mahigpit na yakap sa akin ang pinakawalan ni Miles. Nanatili kaming magkayakap sa airport hanggang sa oras na para umalis siya. "I'll be back. I'll come back for you. I'll rescue you, Serra." Umiling ako. "Miles—" "Shh. . ." Kinuha niya ang mga kamay ko. Saka siya naglapag ng cellphone doon. Nilingon ko si Sebastian kung nakita ba niya ang ginawang iyon ni Miles pero nakaharap siya sa cellphone niya at nag te-text. "This is my phone. I'll buy a new one and I'll call you. So if anything happens, you can call me." Tipid ko siyang nginitian. "Mami-miss kita, Miles." "You too. I'll be missing you too. So much, Serra. Kaya babalikan kita. Just hang in there okay?" Naging malawak ang pagngiti ko saka ako tumango. "Take care of yourself, Miles." "Yeah. Don't let him make you pregnant," aniya bago tuluyang kinuha ang maleta niya at pumasok. Kaninang umaga ang flight pabalik ng Las Vegas ng mga katrabaho namin ni Miles na pumunta dito sa Pilipinas para sa kasal namin ni Spike. Nagpaiwan si Miles para makipag-bonding sa akin kahit isang araw lang. Pero hindi naging masaya ang bonding naming dalawa. I ruined her happy face earlier by telling her about Spike and I's marraige. "Ma'am Serra, nasa bahay niyo na po si Boss Spike. Hinihintay na po kayo." Tumango ako kay Sebastian saka naglakad na pabalik sa sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ay nanatili pa sandali si Sebastian sa labas at kaharap na naman ang cellphone niya. Ilang sandali lang ay umilaw ang cellphone na hawak ko. May mensaheng pumaloob roon na siyang ikinakunot ng noo ko. Baste ❤ : Sorry about last night. Take care, Miles.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







