LOGINHindi nga nagkamali si Spike nang sabihin niyang pipirma na ng kontrata si Rynette kinabukasan. Dahil maaga pa lang ay nasa harap na siya ng gate ng aming bahay.
"Good decision. Just think of this as the key to a brighter future for you and your family," pag uulit ni Spike sa mga sinabi niya kahapon habang nakaupo kaming pareho sa harapan ni Rynette na ngayo'y titig na titig sa kontratang katatapos niya lang pirmahan. "Pinapangako ko pong aalagaan ko ang bata sa aking sinapupunan upang lumabas siyang malusog." Tahimik kong inoobserbaran si Rynette habang nag uusap sila ni Spike at ini-explain nito sa kanya ang mga nilalaman ng kontrata. Namumugto ang mga mata niya. Marahil ay buong gabi siyang umiyak bago nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta dito. Hanggang sa makaalis siya ay nanatili akong tahimik. Ganito din ba ang nararamdaman ni mommy noon noong iniwan niya kami ni daddy? Nagdalawang isip din ba siya? Umiyak din ba siya? "You're meeting Nikolai today." Napalingon ako kay Spike nang nagsalita siya. "You know how to drive, right?" dagdag pa niya. Nakuha niya ang buong atensyon ko nang sabihin niya 'yon. Of course, I know how to drive! Is he going to give me a car? "Y-yes," tugon ko. "Good. I heard from Sebastian that your bestfriend gave you her phone? Give me your number," sabay abot niya sa akin ng cellphone niya. Kinuha ko 'yon at tinipa ko ang numero ng cellphone na gamit ko. "Is this mean pwede na akong umalis na walang Sebastian na biglang susulpot?" sabay abot ko ng cellphone pabalik sa kanya. "Yeah," aniya saka nagtipa sa cellphone. "Do you trust me na?" Bakas ang kasiyahan sa aking boses. Kumunot ang noo niya. Nag angat siya ng tingin sa akin. "Konti lang." "Tss!" Inisnaban ko siya at tumayo na ako. "Saan daw kami magkikita ni Nikolai?" "Sa office niya. I'll send you the details later." Tumayo na rin siya at nauna pang umakyat sa taas bitbit ang kontrata. Napabuntonghininga ako. Ikinasal na kami, may baby na thanks to Rynette. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang hintayin ang siyam na buwan. Pero hindi ako pwedeng naka-standby lang. Sisimulan ko na rin ang plano kong ipaghiganti at ibigay ang nararapat na hustisya para kay daddy. Hindi ko alam kung saan ang bahay ng mga Flores kaya nagdesisyon akong puntahan 'yong lugar na pinagdalhan sa akin ng mga kasamahan ni Welvorn. I have to see Welvorn. Kailangan ko ang perang napagkasunduan namin para makahanap ako ng mga tao ko. Kailangan ko 'yon para makapaghiganti kay Terese. Dahil kung ako lang, siguradong pahirapan dahil marami ang pumuprotekta sa babaeng 'yon. "Ohhhh! May nasarapan yata sa haplos ko at nagkusa na talaga siyang bisitahin ako." Nakangising mukha ni Yoko ang agad na sumalubong sa akin pagkarating ko. Hindi tulad no'ng kinidnap nila ako at dinala dito ay mas marami ang mga lalaking nasa kanyang likuran ngayon. Sa loob loob ko'y bigla akong nagsisi kung bakit pa ako naglakas loob na pumunta at hanapin dito si Welvorn. "Gusto kong makita si Welvorn." Mas lalong ngumisi si Yoko. "Bakit? May nangyari ba sa inyo at hindi ka niya pinanagutan?" "Nandito ako upang singilin siya sa kailangan niyang bayaran sa akin." Unti-unting nawala ang ngisi ni Yoko. Kumunot ang kanyang noo. "So may utang si Welvorn sa 'yo?" Nakangisi na itong muli at lumapit sa akin. Gustuhin ko mang umatras ay alam kong wrong move iyon. Siguradong maaamoy niya ang takot ko. Kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko. "Talaga ngang malakas ang loob mo no? Hindi porke't nabayaran na kami ng asawa mo, ay pwede ka nang pumunta dito ng sisiga-siga at nagmamayabang. Baka nakakalimutan mong babae ka pa rin at gusto kita." I smirked. Nilingon ko ang sasakyan na gamit ko saka ako nagbalik ng tingin sa kanya. "Gamit ko ang sasakyan ng asawa ko. May gps at camera 'yan. At mula dito sa kinatatayuan nating dalawa ay kitang kita niya tayong dalawa. Gusto mo bang halikan ako dito?" Agad na bumalatay ang takot sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko kung paano siyang namutla. Ang hindi niya alam ay gawa-gawa ko lang naman 'yon. At ang camera na naka-install sa harapan ng sasakyan ay ikinabit ko lang kanina at hindi 'yon gumagana. "Now, if you don't want to be involve. Ituro niyo sa akin kung saan nakatira si Welvorn Flores." Iritado siyang nag iwas ng tingin sa akin. Marahas pa siyang bumuga ng hangin bago ako muling nilingon. "Hindi namin alam ang bahay niya." Kumunot ang noo ko. "Nakikipaglaro ka ba sa akin?" "Hindi nga namin alam. Magkasosyo lang kami sa negosyo pero hindi kami magkaibigan." Ilang sandali pa bago ko nagawang i-proseso ang mga sinasabi niya. Hindi sila magkaibigan. Napangisi ako. "Nice. . . So ibig sabihin, pwede mo siyang traydorin?" Naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mas lalo akong napangiti. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng ibang tao para maisagawa ko ang mga plano ko. Because these bunch of idiots can make my plan successful. "Magkano at anong kapalit para maging tauhan ko kayo?" Agad siyang humalakhak ng malakas na agad namang sinundan ng mga tauhan niya. Nakitawa rin ako sa kanya upang makita niyang hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. "Nakakatawa no?" Sumeryoso ako. "Ang alin ang nakakatawa?" Sumeryoso din siya. Ngayon ay tila galit na. Humakbang siya ng isang beses. Napaatras ako. Okay. Now, I'm scared. "Woman, you can't just fool around like a boss here. Hindi kami basta-bastang nagpapabayad. Mahal ang serbisyo namin." Nagtaas ako ng isang kilay. "Pero kaya niyong pumatay?" Natigilan siya. Ngayon ay gulat nang nakatingin sa akin. "I can pay you. I can do anything for you. Just answer me. . . Kaya mo bang pumatay?" Nilingon niya ang mga kasama niya. Nagtagal roon ang kanyang paningin bago niya ako nagawang lingunin. "Hindi ka lang maganda. Mas hayop ka pa pala kaysa sa amin." He smirked. "Be my woman, that's my price. I can do anything for you. I can kill anyone you want. I don't care if you're Spike Guillermo's wife. Just be my woman." Iniabot ko ang kaliwa kong kamay sa kanya. "Deal."SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







