Mag-log in"Nag away ba kayo? Kaya ba sa ibang kwarto ka natutulog?"
Medyo may katagalan pa bago ko nagawang huminga ng malalim. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang ang iniisip pala nila ay iba sa iniisip ko. Akala ko talaga, mabubuko na kami. Mahina at pilit akong natawa. "May konting tampuhan lang po, lola." "Naku! Pinapahirapan ka ba ng anak ko, Serra?" Agad akong umiling. "Naku! Hindi po. Normal lang naman po ito sa mag asawa 'di ba po? Saka nag a-adjust pa rin naman po kasi kami kya siguro ganito." Marahang bumuntonghininga si mama. "Must be the reason why naglasing si Spike," sabi pa nito. "Ano ba kasing pinag-awayan niyo, apo?" tanong pa ni lola. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya. "Ay naku, mama! Huwag mo na pong alamin. Away nila 'yan mag asawa. Hayaan na natin silang lumutas niyan," singit ni mama. Medyo nakahinga ako ng maluwag. "Na-curious lang ako. Hehe." "Ang mas mabuti pa, ma. Umuwi na agad tayo para maasikaso na ni Serra si Spike." "Oo, mas mabuti pa nga." Nagmadali agad silang dalawa sa pagkain at hindi rin nagtagal ay umuwi na rin. Nagpresenta akong magligpit ng pinagkainan naming tatlo. At nang matapos ay nagtungo na agad ako sa kwarto ni Spike upang i-check siya. "Mabuti na lang at hindi ka sumuka dito," pagkausap ko pa kay Spike kahit na himbing na himbing naman siya sa pagkakatulog. Nakanganga pa nga! I decided na kumuha ng isang palangganang maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan ko siya. Binihisan ko na rin para presko siyang matutulog. Naupo ako sa gilid ng kama niya at tinitigan siya. Nagtataka ako kung bakit siya itong naiisip ko habang pinapaligaya ako ni Yoko. Kung bakit mukha niya ang nakikita ko habang nakapikit? "Bakit kita nakikita?" tila wala sa sariling tanong ko. Nanatili akong nakatitig sa kanya at pinapanood lamang siyang matulog bago ako nagdesisyon na umalis at magpahinga na rin sa kwarto ko. Pero hindi pa man ako nakakatayo ay maagap na niyang nahawakan ang palapulsuhan ko. "Huwag mo akong iiwan," bulong niya habang nakapikit. Natigilan din ako dulot ng pagkakagulat. Saglit pa bago ko hinawakan ang kamay niya at pilit na inaalis mula sa pagkakahawak sa akin. Pero kahit na anong gawin kong pag-alis sa kamay niya ay mas lalo lang itong humihigpit. "Spike, let go," bulong ko kahit pa hindi ko alam kung naririnig niya ba ako. "Huwag mo akong iiwan," pag uulit niya sa sinabi niya kanina. Marahas akong napabuntonghininga. Hindi kaya jino-joke time lang ako nito? Tulog-tulugan kahit na gising naman. "Spike, inaantok na ako. Ano ba?!" singhal ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang ay hinila niya ako at itinabi sa kanya. Dinantayan at niyakap ng sobrang higpit. Isiniksik niya ang ulo ko sa kanyang dibdib, sinisigurong hindi ako makakawala. "Huwag kang sumama sa iba. Akin ka lang," he murmured. My heart skipped a beat. What the hell did he just say? Sa kanya lang ako? What?! "A-anong sinasabi mo?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi niya ako sinagot. I stayed quiet for a while and wait for his answer but I got nothing. Instead, I fell asleep. Kinabukasan ay nagising akong wala na si Spike sa tabi ko. Agad akong bumangon at hinanap siya sa paligid ko. Natagpuan ko siyang nagkakape sa veranda habang nakaharap sa ipad at macbook niya. Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Ang aga-aga pa, trabaho na agad ang inaatupag niya. "Gising ka na," he said. It's not a question. Nagbalik ako ng tingin sa kanya. "Ah yeah. Sorry, nakatulog ako dito." Sumimsim pa muna siya sa kape niya habang nakatitig sa akin bago siya nag iwas ng tingin at nagtipa sa macbook. Naitagilid ko ang ulo ko habang unti-unting kumukunot ang noo ko. Alam kong may mali. Pero hindi ko alam kung ano. Matagal bago ko na-realize na kagigising ko lang at wala sa ayos ang hitsura ko. Hindi ko pa nach-check kung may muta ba at panis na laway na nakakalat sa mukha ko. "Oh shit!" I murmured and immediately got off the bed. Tumakbo agad ako palabas ng kwarto niya at nagdiretso sa kwarto ko. ** SPIKE GUILLERMO "She's not in her room." Agad kong tinawagan si Sebastian pagkatapos kong makumpirmang wala nga si Serra sa buong bahay. Fuck! Nagkasagutan lang kami sandali, naglayas na siya agad? "Na-track ko na po, boss." Sumandal ako ng marahas sa swivel chair habang pinapakinggan ang bawat buntonghininga ni Sebastian sa kabilang linya. Mabuti na lang talaga at nakabitan ko ng tracking device ang cellphone ni Serra na ibinigay lang sa kanya ng kaibigan niya. Mas naging madali para sa amin ang mahanap siya. Natuto na ako no'ng minsang na-kidnap siya't nakuha ng mga kasamahan ni Herrex. "Boss. . ." Napaahon ako mula sa pagkakasandal nang natunugan ang pag aalala sa boses ni Sebastian. "What? What's wrong?" "Huminto sa kuta ni Mojica." Umigting ang aking panga at agad kong naikuyom ang kamao ko. Anong ginagawa niya sa kuta ng lalaking kumidnap sa kanya? "Magpadala ka ng tauhan," agad kong utos. "Yes, boss." Ilang oras akong nakatayo sa pintuan habang hinihintay si Serra. Gustong-gusto ko na siyang puntahan sa kung nasaan siya ngayon pero may pumipigil sa akin. She's my wife but she's not mine. May sarili siyang desisyon. As long as she's not ruining our plan ay hindi ako kikilos ng taliwas sa gusto niya. So far, she's acting so good. Pero ngayon ay nagpupuyos na ako sa galit. Mag uumaga na lamang at hindi pa siya umuuwi. "Tell me what's going on." "Hindi ko po alam kung dapat ko pong sabihin pero---" "Fuck! Just fucking tell me!" "Mukhang may relasyon po ang asawa ninyo at si Yoko Mojica." Nanginginig ang mga kamao ko sa balitang narinig ko. Para akong nawawala sa sarili lalo pa at may humintong taxi sa harap ng bahay at iniluwa nito si Serra. "Mukhang? Hindi kayo sigurado?" "Boss, kailangan ko pa po bang i-elaborate? Nanatili po kasi silang dalawa ni Yoko sa iisang kwarto at narinig po ng mga tauhan ang mga ungol ni Ma'am Serra. May nangyari po sa kanila ni Yoko. Nag se---" Pinatayan ko ng tawag si Sebastian at agad kong sinugod si Serra na kapapasok lang ng gate. Damn this woman! Mukhang makakapatay pa ako dahil sa kanya.Inaya ako ni Miles na lumabas pero dahil naka-schedule kami ni Spike na lumabas ngayon ay tinanggihan ko na muna. Gusto ko sana siyang isama pero ayaw naman niya. Aniya ay ayaw niyang makita si Sebastian. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa. Basta ang alam ko lang ay may something pero ayaw niyang ipaalam sa akin o hindi pa siya handang mag kwento. Kaya pinipili kong manahimik kahit na pinapatay ako ng kuryusidad ko."I'm sorry I have to take this call," pagpapaalam sa akin ni Spike. Pasakay na sana kami sa sasakyan pero dahil may tumawag ay bumalik siya sa loob ng bahay.Nagkusa na lamang akong pumasok sa loob ng sasakyan at doon siya hinintay. Hmp! Hindi naman niya kailangan pang lumayo. Ayos lang naman kung marinig ko kasi hindi ko naman siya papakialaman. Pero ano bang pake ko kung ayaw niyang iparinig ang usapan nila ng kung sino mang tumatawag? Baka naman talagang pribado at sekreto iyon na hindi pwedeng marinig ng contracted wife na gaya ko.Napabuntonghininga ako
Marahan siyang tumango. Ilang saglit bago niya ako nagawang bitawan mula sa pagkakayakap niya."Gutom ka na? Nagluto na ako ng breakfast natin," aniya sabay padausdos ng palad niya mula sa balikat ko paibaba sa aking mga kamay.Hindi ko dapat iyon pinapansin. Pero hindi ko mapigilang hindi iyon punain. Paanong hindi? E, parang kinuryente ang braso ko sa ginawa niya."Let's go," dagdag niya pa.Tumango ako at nagpatianod na sa kanya nang hilain niya ako palabas ng kwarto.Mapili ako sa pagkain nitong mga nakaraan. Nakita kong beefsteak ang inihanda niyang ulam. I already tried it last time na nagpa-deliver ako and I end up throwing it all on the toilet bowl. Habang iginigiya niya ako sa aking upuan ay nanatili naman ang paningin ko sa ulam. I don't want to eat it. Katatapos ko lang sumuka, ayaw ko pang sumuka ulit ngayon. But I don't want to disappoint him either."Anong problema?""Ha?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Uh, wala.""Ayaw mo ba sa inihanda ko?""Of course not!" mabilis
Pero hindi pa man ako tuluyang nalululong sa halik niya ay marahas ko na siyang itinulak."What are you doing?" mahina kong bulyaw."Kissing you?" sarkastikong patanong niyang tugon."Sagutin mo ang tanong ko. Anong nangyari sa 'yo?"Pinagtaasan niya ako ng isang kilay."Sa tingin mo ano?"Hindi agad ako nakasagot. Ilang minutong nanatili ang tingin ko sa kanya, na m-mental block. Hindi ko alam ang sasabihin ngayong napatunayan kong may kinalaman nga si Spike sa nangyari sa kanya."I-I'm sorr—""You're pregnant," nakangising aniya sabay baba ng tingin sa tiyan ko.Bigla ay napayakap ako sa aking tiyan na tila pinoprotektahan ang kung anumang nasa loob nito."I just hope inaalagaan ka niya ng mabuti," sabi pa niya at basta na lang akong iniwan sa aking kinatatayuan.Gusto ko man siyang habulin pero natulala ako sa kawalan. I didn't even know what to say kung mahabol ko man siya. Anong sasabihin ko? Na tuloy pa rin ang mga plano namin? Na kung may balita na ba doon sa inuutos ko sa kani
"So payag kang kasal kayo ni Spike?"Umiling ako. "No. Ipapasawalang bisa din naman ang kasal pagkatapos kong maibigay sa kanya ang anak niya, Miles. Ayos na ako. Sa ngayon ay susunod ako sa lahat ng gusto niya. I can wait. Kaya kong maghintay hanggang sa kaya ko nang makapaghiganti sa mga Flores."Agad na kumunot ang noo niya. "Anong paghihiganti ang pinagsasasabi mo?""Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni daddy. Gusto kong ipadama sa taong dahilan ng paghihirap kong ito ang poot at galit na nararamdaman ko.""A-akala ko aksidente ang nangyari sa daddy mo."Umiling ako. "No. He was killed."Isang mahabang paghugot ng hininga ang ginawa ni Miles habang titig na titig sa akin."I can't believe this. Kaya ba ayaw mong umalis dito?"I nodded."Kaya please. Hayaan niyo na muna ako. But please be with me, Miles." Inabot ko ang dalawang kamay niya't hinawakan ko ang mga ito ng mahigpit. "Wala akong kasama. Ramdam na ramdam ko 'yong pag iisa dito. Mag stay ka man lang sana kahit i
Hindi rin naman nagtagal at wala pang trienta minutos ay dumating na rin agad ang pasta na hinihingi ko. Hindi lumabas si Spike kahit na tinawag ko siya upang masabayan ako sa pagkain. Si Sebastian ang naghatid. Gusto ko sanang siya na lang ang yayain kong kumain kasama ko since ayaw ni Spike pero hindi ko na nagawa dahil nagmamadali rin siyang umalis.Hindi ko rin maintindihan itong sarili ko, e kung bakit gusto kong kasabay si Spike kahit na hindi naman kailangan dahil hindi naman kami totoong mag asawa. I mean, we're married yes. But were not romatically involved with each other. Pero sana man lang 'di ba? kahit sa bata.Umiling ako.Ano ba itong mga pinagiiisip kong para sa bata? What am I thinking? Kahit na magkasabay kaming kumain ngayon, it won't change the fact na hindi rin naman magkakaroon ng kumpletong pamilya ang batang ito. Dahil pagkatapos ko siyang maipanganak ay aalis din naman agad ako at babalik na sa dati kong buhay.Biglang nanikip ang dibdib ko kaya nahinto ako sa
Ang mga sumunod na araw ay hindi ko inaasahan. Spike's in a mood lately. Halos hindi niya ako kinakausap. Kahit tingnan man lang ako ay madalang niyang gawin. Para bang nandidiri siya sa akin. Pero isinawalang bahala ko 'yon. Lalo pa at wala akong panahong isipin pa siya gayong iba ang pakiramdam ko lately.Ayon sa doktor no'ng nagpa-checkup kami ay magdadalawang buwan na akong buntis. Wala naman akong nararamdamang masama pero nitong mga nakaraang araw at linggo ay panay ang pagsusuka ko at hinang-hina ako. Nagiging malakas lang ako kapag nandito si Spike sa bahay at naaamoy ko siya.Yeah! Nakakahiya mang aminin kahit sa sarili ko pero iyon ang totoo. Spike brightened up my mood whenever his here. Pero kung anong ikinaganda ng mood ko kapag narito siya ay siya na mang ikinapangit ng sa kanya."Bakit kung kailan nasa second trimester ka na ng pagbubuntis mo ay doon ka pa lang nagsususuka ng ganyan, hija? Akala ko pa naman ay hindi ka maselan magbuntis!" kuda ni Mama Rosella habang him







