AS TIME PASSED by, nagsimula na ‘ring bumisita si Seth sa kanyang mga anak na nasa pangangalaga nina Piper at Bryson kapag mayroon siyang libreng oras at pagkakataon. Minsan nagdadala ng mga prutas sa mga anak, pero madalas ay tinapay lang ang kanyang afford na bilhin bilang pasalubong sa mga bata. Hindi naman tinuruan ni Piper o kahit ni Nana Selda na maging magaspang ang ugali ng mga bata sa kanilang ama, ngunit iyon ang pinapakita ng dalawa kay Seth kada bibisitahin niya. Madalas na hindi rin nila si Seth pinag-uukulan ng pansin, unlike kapag ang kanilang ina ang siyang bumisita na doon.“Hindi natin pwedeng sisihin ang mga bata, mayroon na silang mga isip. Alam na nila ang nangyayari sa kanilang pamilya ngayon.”“Kaya nga, pero siguro ang mabuti ay pagsabihan pa rin natin sila na ama nila si Seth. Hindi nila mababago ang bagay na iyon. Kailangan nilang magabayan ng tama, Piper.”Hanga si Piper sa pagiging malawak ng isip ni Bryson. Kung dati ay baka kinunsinti nila sila.“Tama ka,
Read more