Nakita ko ang buong buhay ni Ria Canlas— mula pagkabata hanggang sa kanyang pagkamatay. Sobrang bigat sa dibdib na parang hindi ko na kayang dalhin.Habang umiiyak si Mama Diana sa tabi ko ay mas lalo kong naramdaman ang hapdi at sakit ng mundong iniwan ni Ria. Dahan-dahan akong bumangon at marahan kong inabot ang pisngi ni Mama Diana gamit ang nanghihina kong kamay para punasan ang mga luha niya. Nginitian ko siya nang mahina. "Mama, ayos lang ako."Sa mga alaala ni Ria ay nakita ko kung gaano kahirap ang naging buhay ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Si Mama Diana, isang ina na nakulong sa piling ng maling lalaki.Habang si Ria Canlas ay dahan-dahang nilamon ng kalungkutan, si Mama Diana naman ay patuloy na nabubuhay sa anino ng nakaraan. Ang kahinaan ni Mama Diana ang naging dahilan kung bakit lumakas ang loob ng mga demonyo lalo na ni Molina!At sa huli ay si Ria ang naging biktima sa lahat. Pero paano ko masisisi ang isang taong nasaktan, pinagkaisahan at inapi ng paulit-ulit?
Last Updated : 2025-09-15 Read more