Kaagad kong hinawi ang kumot at tumalon pababa ng kama. Sa pagbaba ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Tinataboy niyon ang init na kanina lang ay hindi ko maipaliwanag kung saan nanggaling."Kukuha lang sana ako ng karayom para sa iyo kagabi, tapos babalik na sana ako sa kama ko, pero bigla mo akong hinawakan... Hindi ako makawala," maingat kong paliwanag.Alam kong hindi siya masyadong naging maayos sa pagtulog nitong mga nakaraang araw, kaya malamang, wala siya sa sarili nang mangyari iyon.Napansin kong gumalaw ang kanyang maputlang labi bago ito marahang nagsalita. "Pasensya na.""Ah, w-wala iyon. Mag-aayos l-lang a-ako," sagot ko na halos nauutal na bago mabilis na tumakbo papunta sa banyo.Para nag-aapoy ang buo kong katawan. Kinapa ko ang mukha ko at buo kong katawan. Mainit nga at hindi ko maintindihan kung bakit.Kaagad kong binuksan ang shower at nagpatak ng maligamgam na tubig sa katawan ko. Umaasang mapapawi nito ang init na gumagapang sa buo kong katawan.Akala ko
Last Updated : 2025-09-18 Read more