Chapter 105 Margarita “Nanay ko!” iyak na rin nilang dalawa. Ibinaba ni Harrison ang mga bata para mayakap nila ako ng maayos. “Bakit ngayon lang ikaw umuwi, Nanay?” tanong agad ni baby Hollis. “Huwag na, ikaw alis ah. Miss na miss namin ikaw eh, Nanay. Ayaw mo na ba sa amin ni Kuya Hollis?” lumuluha na tanong ni baby Molly. Hinalikan ko naman ang ulo niya at magaan na niyakap. Nahabag na naman ako dahil sa nakikita kong pag-iyak nila. Masakit sa dibdib. “Huwag na po ikaw tampo at mag-selos po ah kay Daddy. Gusto lang po niya masolo rin kami kaya hindi ka na kasama minsan. Pero love ka namin, Nanay, sobra po. Mahal, mahal ka po namin lagi,” dagdag pa ni baby Hollis. Sumaya ang puso ko sa sinabi ni baby Hollis. Gumaan kahit paano ang pakiramdam ko. Hindi nila alam na double tiis ang ginawa ko dahil sa pangungulila sa kanila. Dalawang buwan na hindi ko sila nakasama ay sobrang torture na iyon sa akin. “Da best Nanay in the world. Mahal namin ikaw, Nanay,” malakas
Last Updated : 2025-05-25 Read more