Lucas Point of View "Are the organizers ready?" tanong ko kay Robert. Bukas na ang event party. Sinusukat ko ngayon ang suit na dumating. "Yes, Mr. Belleza. Katatawag lamang nila sa akin. Ready na daw ang venue at props," sagot ni Robert. Lumingon ako sa kanya. Pinakita kung tama ba ang sukat sa akin ng suit. "It's perfect," aniyang may pa-thumbs up pa."How about yours?""It's okay. Naisukat ko na iyon kagabi," aniya. Muli akong humarap sa body mirror. Tama naman ito. Fit na fit sa akin ang suit sa katawan ko.Tinanggal ko ang suit. Agad na lumapit si Robert para kunin iyon sa mga kamay ko. Pagkatapos ay inilagay muli sa lalagyan. "Nga pala Robert. Naimbestigahan mo na ba kung bakit naroon si Michelle sa lugar na iyon last week?"Humarap sa akin si Robert. Seryoso. "May kliyente siyang pinuntahan doon, Mr. Belleza," sagot niya. Napakunot ang noo ko. Kliyente? "Aalis ang kliyenteng si Mr. Ha, at iyon na lang ang tanging oras na makakausap nila ang marketing team. Pumunta si M
Last Updated : 2025-05-21 Read more