Michelle's Point of View Hindi ko maintindihan si Lucas. Parang may double personality siya kung itrato ako. Mabait minsan. Magaspang ang ugali karamihan. Pero naisip ko, baka naaawa lang siya sa akin dahil may sakit ako ngayon. Dahil a part of it kasalanan niya kaya ako may sakit. Ayaw ko man siyang sisihin pero iyon naman ang totoo. Sa kanya nanggaling ang sakit, nahawa lang ako. Dinagdagan pa niya dahil sa pagtest ng water kuno.Nagising akong naroon pa siya.Hindi siya umalis hanggang sa hindi dumadating si Lea. Si Lea naman ang sasama sa akin sa gabing iyon. Hindi ko naman kailangan ng bantay. Sanay akong mag-isa. Pero siguro, para sa ikatatahimik ng kalooban nila ay hindi na lang ako umangal pa. Lalo na at alam kong si Nana ang may gusto na may bantay ako."I'll go, I'll be back tomorrow," paalam ni Lucas na ikinasimangot ko. Hindi dahil sa babalik siya bukas kundi dahil aalis na siya. Kahit naman tinataboy ko siya, gusto ko pa rin naman na naroon lamang siya. Ayaw ko ng tingnan
Terakhir Diperbarui : 2025-05-14 Baca selengkapnya