Sa isang lumang bodega sa dulo ng bayan, nananahimik ang paligid—pero ang hangin, punô ng tensyon. Parang lobo na konting tusok lang, puputok na. Doon, nakaupo si Sophia sa isang upuang bakal, mahigpit na nakatali ang mga kamay. Mabilis ang tibok ng puso niya, parang tambol na hindi marunong tumigil habang pinagmamasdan ang paligid.Mula sa di kalayuan, rinig niya ang mahihinang halakhak ng mga tauhan nina Julian at Vanessa. Para bang aliw na aliw sila sa gulong sila rin naman ang may gawa."Sh*t," mahina niyang bulong habang pilit inaangat ang kamay. Napapikit siya sandali, pilit pinapakalma ang sarili. I need to get out of here. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba, pero pinilit niyang maging alerto. Madilim ang paligid, at ang isang kumukurap na bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag—para bang scene lang sa pelikula ni Direk Cathy na horror.Biglang—"Uy, gising na si reyna!" Malamig, pamilyar, at nakakainis ang boses na bumasag sa katahimikan. Si Julian. Lumabas ito mula sa dilim, m
최신 업데이트 : 2025-05-30 더 보기