'Gusto mo bang makipag-away?'Tumalim bigla ang mga mata ni Shawn, at sa isang iglap, sumiklab ang tensyon sa pagitan niya at ni Lucas, parang nagbabanggaang kidlat. At napuno ng poot ang buong paligid.Sa isang tabi, natigilan naman si Monica. Hindi niya inasahan na handa talagang lumaban si Lucas kay Shawn para lamang kay Maxine.Lumaki ang dalawa na magkasama, halos parang magkapatid na nagbabahagi ng lahat.Agad naman na inihagis ni Monica ang sisi kay Maxine.“Maxine, masaya ka na ba ngayon? Nanunukso ka ng mga lalaki. Pinag-aaway mo sila dahil lang sa 'yo. Marami ka talagang kalokohang alam, ano!” galit na usal ni Monica.“Tama na, Monica!” singhal ni Lucas habang nakakuyom nang mahihpit ang kamao.Ngunit agad hinila ni Maxine ang kanyang braso upang pakalmahin ito.“Lucas, huwag na. Huwag kang makipag-away para sa akin. Hindi iyon sulit,” sambit ni Maxine.Matatag ang tingin ni Lucas sa kanya.“Hindi, Maxine. Sulit ka,” matatag naman na wika ni Lucas habang nakatingin
อ่านเพิ่มเติม