Share

Kabanata 185

Author: Glazed Snow
Ang lalaking iyon ay si Lucas.

Kararating lamang niya matapos magmaneho pabalik. Nang makita niyang may sumaksak kay Maxine, agad siyang sumugod papunta sa kanya. Diretsong tumama malapit sa kanyang dibdib ang matalim na kutsilyo.

Napasinghap si Maxine dahil sa gulat.

“Lucas!”

Gusto sanang tumakbo ni Shawn papunta kay Maxine, pero masyado siyang malayo. Wala siyang nagawa kung hindi panoorin habang tinanggap ni Lucas ang saksak na para sana kay Maxine.

Sinipa niya ang dalawang lalaking nakaitim sa tabi niya at agad na tumakbo palapit.

Dumating din sa oras na iyon si Mike kasama ang maraming bodyguard na nakaitim, na agad pinalibutan ang lugar. Hindi nakaporma ang grupo ng gangster at mabilis silang napigilan.

Kasabay nito, tumakbo naman si Monica at agad na yumakap kay Shawn.

“Shawn!”

Napilitang huminto si Shawn. Gusto niyang itulak si Monica at tumakbo papunta kina Maxine at Lucas, pero mahigpit ang kapit ni Monica at ayaw siyang bitiwan.

“Shawn, huwag kang umalis. N-Natata
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lovron Nance
hmmm fi mman nila malaman n c monic anh nsg bigay ayaw o sabihin ni author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 378

    Napakuyom ang mga kamao ni Adrian habang nakatitig kay Jessica nang mataman.“Jessica, nilagyam ka ba ni Raven ng gayuma o ano?” sambit ni Adrian.“Wala ‘yang kinalaman sa ’yo!” sagot niya, puno ng galit at pagtatanggol sa sarili.Inilagay ni Adrian ang mga kamay sa kanyang baywang at tumawa, ngunit halatang may matinding galit. “Sige, kung gano'n, wala rin akong pakialam sa ’yo. Hahanapin ko na lang si Raven ngayon.”Hindi naghintay ng sagot, tumalikod siya at humakbang patungo kay Raven.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Jessica. Inabot niya ang braso niya, pilit na pigilan si Adrian. “Ano ang ginagawa mo? Workplace ito ng ibang tao! Ano ang karapatan mo na istorbohin sila?” inis niyang sambit.Sa sandaling iyon, biglang humakbang ang foreman ng construction site, humihingal sa pagod. Paulit-ulit siyang yumuko kay Adrian.“Sir Adrian, bakit po kayo narito? Mag-ingat po kayo na hindi madumihan ang inyong damit. Nagpunta po ba kayo para inspeksyunin ang construction ngayon?”

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 377

    Nang marinig ang sinabi niya, tumigil si Jessica sa paglaban at masunuring sumakay sa pasaherong upuan ng sports car.Bumalik si Adrian sa upuan ng driver, madilim ang mukha. “Jessica, talaga bang interesado ka kay Raven?” seryosong tanong ng lalaki sa kanya. Sa simula, tumanggi siya na sumakay sa kotse ni Adrian, ngunit ngayon, ginawa niya ito para kay Raven.Tumingala si Jessica sa kanya, may bahagyang pangungutya sa tingin nang magsalita.“Adrian, hindi mo ba napapansin na kakaiba ang itsura mo ngayon?” tanong niya sa lalaki.Sandaling natigilan si Adrian sa kanyang narinig.“Pinayagan na kita kay Crizza. Ngayon, siya na ang girlfriend mo. Malaki ang dibdib niya, payat ang baywang, nag-aaral na maging isang sikat na celebrity. Ganitong type ang gusto mo, ‘di ba? Dapat kasama mo siya. So, bakit nakatali ka pa rin sa 'kin?” dagdag na sambit ni Jessica.Mahigpit na hinawakan ni Adrian ang manibela at sinabi, “Ako…”“Adrian, huwag mong sabihin na nahulog ka na sa 'kin,” patul

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 376

    Tumalikod si Jessica at nagsimulang lumayo. Mabigat ang bawat hakbang, tila gusto niyang talikuran ang lahat ng ingay at panghuhusga sa paligid.Napabulong si Crizza sa sarili, mahina at halos hindi marinig ang kanyang sinabi.Bago pa man makalayo si Jessica, humarang si Adrian sa kanyang daraanan. Matalim ang tingin nito, puno ng pagdududa at hindi makapaniwalang galit.“Jessica,” mariin ang tono niya. “Talaga bang nahulog ka na kay Raven?”Tumango ang dalaga. Simple, diretso, at walang pag-aalinlangan. “Oo.”Nanigas ang panga ni Adrian. Hindi pa rin makapaniwala, napailing siya, parang inuusig ng katotohanang ayaw niyang tanggapin.“Imposible,” mariin niyang tugon. “Paano mo nagustuhan ang lalaking 'yon? Ginagawa mo lang ‘to para galitin ako, ‘di ba? Jessica, hindi ko akalaing gagawa ka ng maliliit na laro ng isip para lang makuha ang atensyon ko.”Mabilis na umakyat ang inis sa dibdib ni Jessica. Napatingala siya sa lalaki at diretso itong tinitigan sa kanyang malamig, mata

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 375

    Sandaling napangiti si Jessica. Sa pagitan ng hibla ng kanyang buhok, kumikislap ang hairpin na tinutukoy ni Andrea. Isang mamahaling regalo mula sa kanyang tiyahin.Ngumisi si Andrea, puno ng panunuya, at pagkatapos ay nagsalita.“Hairpin ng isang Chanel na nagkakahalaga ng five hundred thousand, tapos isinusuot mo lang nang basta-basta? Ang perang ‘yan, ilang taon pang bubunuin ni Raven bago niya kitain. Sa tingin mo ba talaga ay bagay kayong dalawa?”Matapang na itinukod ni Jessica ang kanyang mga kamay sa baywang, ang baba niya ay nakataas na parang ayaw magpatalo kay Andrea.“Bagay man kami o hindi ay wala ka nang pakialam doon. At isa pa, hindi rin kayo bagay ni Raven!” saad ni Jessica sa kanya.“Ikaw—” mabilis na saad ni Andrea, puno ng inis at pang-iinsulto, ngunit biglang sumingit ang malamig at matigas na tinig ni Raven, sapat para manahimik ang lahat.“Ayoko na makita ka pa ulit. Huwag mo akong piliting ulitin ang sinabi ko ng tatlong beses.”Nagmamahal man siya ay pa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 374

    Bigla at walang pag-aalinlangan na binitiwan ni Raven ang pulso ni Jessica. Umurong siya ng dalawang hakbang na may tamang layo upang mawala ang init ng pagkakalapit nila, at tamang distansyang tila kailangan niya upang huminga muli.Napakurap si Jessica, at isang mainit na kirot ang dumampi sa kanyang ilong. Inabot niya ito gamit ang kanyang daliri, at nang makita ang pulang bakas, nanlaki ang mata niya.“I-I'm bleeding!” sigaw niya, puno ng gulat, parang bata na nadapa sa unang pagkakataon.Tiningnan lang siya ni Raven. Walang halong bagabag at walang pagkataranta, pero malinaw sa mata niya na alam niyang totoo ang sinabi nito. Dumudugo nga ang ilong ng dalaga.Tahimik niyang hinugot ang dalawang pirasong tisyu mula sa bulsa, iniabot iyon sa kanya.“Itagilid mo ang ulo mo,” malamig ngunit mahinahong wika Raven. “Titigil din ‘yan agad.”Kinuha ni Jessica ang tisyu at sumunod. Habang hawak ang ilong, hindi niya mapigilang magtaka.“Bakit kaya ako biglang nag-bleeding?” takang ta

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 373

    “Raven, nakita mo ako n-na hubad...”Mabagal, malinaw, at may halong pagkapahiya ang pagbigkas ni Jessica sa bawat salita. Tahimik lamang siyang tinitigan ni Raven. Ang kanyang tingin ay malamig at walang bakas ng pagkabalisa.“Hindi ko nakita,” mahina ngunit matatag na tugo ni Raven.“Patuloy ka pa ring nagsisinungaling?” nanlilisik ang mata ni Jessica, halatang hindi kumbinsido sa sagot ng lalaki. “Hindi mo ba ako nakita kanina?”Hindi sumagot si Raven, ngunit dumaan ang ilang segundo na parang mabigat na katahimikan sa pagitan nila. Nakita niya. Hindi siya bulag. At alam iyon pareho nilang dalawa.Namula naman ang malambot at magandang mukha ni Jessica. Sa simpleng pag-alala ng nangyari, parang kumulo ang init sa kanyang pisngi. May halong hiya, inis, at pagkabigla. Inaasahan niyang si Maxine ang papasok sa silid, pero hindi. Si Raven ang dumating. At nakita siya nang wala ni isang saplot.“Ano ang nakita mo kanina? Ano ang narinig mo?” kalmado, ngunit mariing tanong niya, h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status