“Jenna,” tawag ko nang makita ko siyang patungo na sa elevator, may hawak na tumbler at folder sa isang kamay. Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat, halatang hindi inaasahang makita ako roon. “Oh? Himala, mas nauna pa ako kaysa sa’yo,” sabi niya sabay silip sa relo sa kaliwang pulso. “Late na tayo, girl,” dagdag pa niya, medyo ibinaba ang boses. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng elevator, kasabay ang ilan pang empleyado na tahimik lang at abala sa kani-kanilang cellphone. “I accidentally turned off my alarm on my phone, so I didn’t realize the time,” kwento ko habang pinipindot ang floor number, sabay buntong-hininga. Sa totoo lang, never pa akong na-late sa trabaho at sa wakas, nangyari na ngayon. Mas maaga pa nga akong nagigising kaysa sa alarm clock ko. Pero kasi, magkasama kami ni Sire kagabi sa condo unit niya... at may nangyari na naman—na siyang dahilan kung bakit ako puyat. Ang hirap niyang tanggihan dahil ako naman talaga ang naglagay sa kanya sa
Terakhir Diperbarui : 2025-08-05 Baca selengkapnya