**Sire** Hindi ko maiwasang mapatitig kay Henry habang nasa loob ako ng kotse. Kanina pa ako nakaparada rito, naghihintay lang na makita siya. At ngayon nga, naroon na siya sa labas ng Elbierro Hunter College, abalang nakikipag-usap sa isang lalaki. Tahimik ko siyang minamasdan. Ang Elbierro Hunter ay isang private school kung saan matagal na siyang nagtatrabaho. Henry has been a college professor for five years. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon at kasing-edad niya ang panganay na anak ni Dad, si Ate Shaira, na isa ring college professor sa Elbierro. Naalala ko pa, one year ago, nang pumunta ako sa college na 'to para sunduin ang kapatid ko. Nasiraan siya ng kotse, at malakas pa ang ulan noon. Halos wala nang masakyan pauwi. I was so shocked because I accidentally saw Henry and his student, Elaine, kissing in the parking lot. Gabi na kasi iyon, kaya halos walang tao. Like, I literally cursed out of shock. I knew he was married and out of all the girls in the world, bakit ka
Last Updated : 2025-08-07 Read more