(A few weeks ago)Xavier Iglesias"Mr. Xavier, meron hong gustong kumausap sa inyo," anas ni Kirsten. "His name is Noel Diaz. Pinsan daw ho siya ni Ms. Naya."Natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang sinabi ng assistant ko. Agad akong nag-angat ng tingin mula sa computer at binalingan siya ng tingin.I paused for a moment, and then I spoke. "Let him in."Tumango lamang siya at maya-maya pa ay bumungad na rin si Noel sa pinto. Not long after that, sinenyasan ko si Kirsten na isara ang pinto na agad naman nitong sinunod.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko habang si Noel naman ay nanatili pa ring nakatayo sa kanyang pwesto."Noel, I'm glad to see you again. Please, take a seat," sambit ko na mabilis pa sa alas kuwatro niyang ikinatango. "Anong meron at napunta ka rito? My assistant said that you want to talk to me. Anong gusto mong pag-usapan?"Hindi kaagad siya nakasagot bagkus ay isang malal
続きを読む