CHAPTER 13 — The First Night Tahimik ang buong mansyon nang bumalik sila sa mansyon. Sa labas, walang maririnig kundi ang mahina at banayad na ugong ng mga crickets, pero sa loob ng itim na Rolls Royce ay tila may mabigat na ulap na nakalutang. Si Solenne ay nakatingin lamang sa bintana, pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Sa bawat segundo ay naririnig niya sa isip ang huling sinabi ni Caelum noong nagdaang gabi. “Prepare yourself tonight. It’s our first night. And I don’t tolerate refusal.” Parang martilyo iyong umaalingawngaw sa tainga niya. Gusto niyang magtago, gusto niyang tumakas, pero wala na siyang mapupuntahan. Samantalang si Caelum, nakasandal lang sa malambot na leather seat, hawak ang cellphone, tila abala sa pagbasa ng ilang business reports. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa malamig nitong mukha. Para bang ang kasal kanina at ang gabing darating ay bahagi lang ng isang kontrata. Nang makarating sila sa mansyon, bumaba si Caelum na para bang walang pakial
Huling Na-update : 2025-09-25 Magbasa pa