Wade's POV“May balita na ba?” tanong ko habang nakatingin sa monitor. “’Yong inutos ko kahapon, may nakita na bang lead?”Tahimik si Wayne bago siya umupo sa tapat ko. Bitbit niya ang tablet. “Wala. Lahat ng footage na galing sa surveillance system, wiped clean. As in zero data, parang hindi man lang nag-exist.”Napasinghap ako. Pinikit ko muna sandali ang mga mata ko. “So, in short, walang nakapasok o sobrang galing ng pumasok at wala siyang iniwang bakas?”“Exactly, master,” sagot niya. “Pero may pattern akong nakita. Ang breach method, pareho sa ginagamit ng grupo ni Sanders Chilton - your uncle. Sa ngayon, he is still our primary lead.”Tahimik akong tumango, malamig ang tono ng boses ko. “Kung gano’n… i-withdraw lahat ng assets niya.”“Master?”“I said withdraw everything,” ulit ko, dahan-dahan pero may diin kong sambit. “Lahat ng stocks, lahat ng project connections under Chilton Group — freeze all of it. I want him off the map by sunrise.”Wayne hesitated. “Kasama na rin ba
Last Updated : 2025-10-27 Read more