LILY'S POVLumapit kami sa unang stall — maingay, maraming tao, at amoy mantika sa paligid. Ako ang umorder dahil sanay na ako sa ganitong gulo. “Kuya, pa-fishball, isaw, at gulaman po. Tig dalawang order po.”Paglingon ko, si Wade nakatayo lang sa likod ko, suot pa rin ang mamahaling relo at leather shoes. Para siyang naligaw sa ibang mundo. Pero halata sa mukha niya na curious siya sa mga nakikita niya. Para siyang bata na ngayon lang nakakita ng ganitong klase ng lugar.Napangiti ako. Napaka inosente niyang pagmasdan. Animo’y isa siyang batang ngayon lang pinayagang makalabas ng bahay.“Here,” sabi ko, sabay abot sa kaniya ng stick ng fishball. “Try this. Tikman mo muna, Wade. Kapag hindi mo nagustuhan ang lasa, we will try another food.”“Maarte agad?” Umangat ang kilay niya, pero may ngiti sa labi. Tinanggap niya rin ang stick na may fishball saka niya isinawsaw sa suka. “Fine. Let’s see what’s so special about this.” Kumagat siya ng isa. Saglit siyang tumigil, tapos dahan-dahan
Last Updated : 2025-10-27 Read more