WADE'S POVPagkaparada ng itim kong sasakyan sa harap ng grand hotel, agad akong sinalubong ng liwanag mula sa mamahaling chandelier na kumikislap sa lobby. Maingay, marangya, puno ng mga taong halatang sanay sa ganitong klaseng pagtitipon. Ang mga negosyante, pulitiko, at socialites, lahat ay nakangiti pero alam kong may kaniya-kaniyang intensiyon sa likod ng mga mata nila. Gan'yan naman ang lahat ng tao. They are hungry for power and money.Pagkababa ko ng sasakyan, agad akong nilapitan ni Jane, ang personal secretary ni Cecilia. Suot niya ang itim na corporate dress at hawak ang tablet niya, gaya ng dati—maayos, propesyonal, at walang ekspresyon sa mukha.“Good evening, Sir Wade,” bati niya, bahagyang yumuko bilang paggalang. “Ma’am Cecilia asked me to fetch you. She’s waiting upstairs. You’ll be entering the ballroom together.”Tumango ako. “Thank you, Jane. Lead the way.”Habang naglalakad kami papunta sa elevator, napansin ko ang mga tingin ng ilang bisita—mga babaeng nagbubulu
Last Updated : 2025-10-30 Read more