Share

Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire
Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire
Author: HANIFAH

Kabanata 1

Author: HANIFAH
last update Last Updated: 2025-11-10 19:42:31

Samantha's POV

Kung may award lang para sa pinaka-malas na empleyado ng taon, paniguradong ako na 'yon.

Mabait naman ako, responsableng anak at desenteng mamamayan, wala pa akong nakaaway mula pa noong bata ako, pero bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa akin pa talaga nangyari ang kamalasang ito?

Nandito ako ngayon sa conference room, naninigas na nakatayo sa harap ng lahat. Sa harap ko naman ay naka-display sa isang malaking LED screen ang project ng team namin na dapat ay ipinagmamalaki na naman namin, katulad ng nakasanayan... kaso mukhang hindi iyon ang mangyayari ngayon.

I am one of the Junior Marketing Designers here at Eros Advertising Group. Hindi man ako matagal na empleyado rito, pero kayang-kaya kong sabihin at ipagmalaki na kailanman ay hindi pa ako nasita ng mga bosses, lalo na ng CEO naming si Boss Raz... ngayon lang talaga.

"Miss De Miranta," malamig niyang tawag sa apelyido ko, na talaga namang nagpakabog nang matindi sa dibdib ko. "Would you like to explain what this is?"

Napalunok ako nang pakiramdam ko'y maging ang lalamunan ko ay nagbara.

"S-Sir, it's a typo. I must've missed the-"

Nagtaas siya ng kamay upang mapatigil ako sa pagpapaliwanag.

Blangko pa rin ang kaniyang ekspresyon mula pa kanina habang hawak-hawak ang printed copy ng layout ng project.

"Do you understand the cost of this mistake?" muli niyang tanong, sabay angat na ng tingin sa akin.

Kalmado lang ang boses niya, pero sapat na iyon para takasan ako ng dugo sa buong mukha ko.

Ramdam na ramdam ko rin ang panlalamig ng buong katawan ko, pati ang pagpigil ng mga hininga ng team ko sa likuran.

"Y-Yes po, sir... pero kaya ko naman siguro-"

"No, Miss De Miranta. The client withdrew their contract because of that single word. Do you know how much we lost because of that? Over two million pesos."

Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao.

T-ngina. It was just one letter. One stvpid typo. Paanong nag-withdraw agad ng kontrata ang client?

Ilang beses kong na-check ang lahat kaya hindi ko alam kung bakit may na-typo sa billboard draft. Kahit ako ay nagulat ngayong nakita ko. Imbes na "Bring Your Life in a New Light," naging "Bring Your Life in a New Lie."

Lie... iyon ang naging mali. Paanong iyon ang nailagay kung ilang beses ko na rin iyon na-check bago nai-publish?

Tuluyang nanuyo ang lalamunan ko. Napatanga na lang ako kay Boss Raz nang mas lalong lumamig ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Sagot!" sigaw niya bigla.

Sa lakas ng boses niya ay napaigik ako sa sobrang gulat.

"S-Sir... I-I'm so sorry for the typo. I swear I double-checked everything. Hindi ko alam kung paanong-"

"Sorry?" He let out a short, humorless laugh. "Bakit kayong mga empleyado, ang hilig n'yong idaan lahat sa sorry?"

Umiling-iling siya at tumayo na.

"Sir, ngayon lang naman po ako nagkamali, 'di ba?" agap ko, nilingon ang mga kasamahan para sang-ayunan ako, pero ang mga traydor, niyuko lang ang ulo at parang walang narinig.

Parang gusto ko na lang umiyak sa harap nila ngayon dahil sa kawalan ng pag-asa. Paano nila ako nagawang iwan ngayon sa ere?

"Ano nga natapos mo?" tanong ni Boss Raz habang isinasara ang mga butones ng coat niya, saka tumingin sa akin na para bang ako ang pinaka-walang kwentang tao sa silid na ito.

"Mass Communication po," sagot ko matapos ang sunod-sunod kong paglunok ng laway.

He is known for being flawless yet very strict in this industry. Sana naman huwag niya akong isama sa mga empleyadong nasisante na niya dahil lang sa maliit na pagkakamali.

Ang kaso...

"Mass Communication..." pag-uulit niya, saka ibinulsa ang dalawang kamay sa suot na slacks. "That explains it. Your degree doesn't even fit your position. Paano ka nakalusot sa recruitment screening?"

Para akong sinampal nang ilang beses dahil sa tanong niya.

Natahimik ang lahat, lalo na ako. I could feel the heat creeping up my neck as embarrassment replaced fear. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o mag-aapoy na lang sa galit.

Walang nagbago sa malamig niyang ekspresyon. Kapagkuwa'y mas lalo pang tumalim ang tingin niya sa akin, tipong pinapatay na niya ako sa isipan niya.

"It's unacceptable," pagpapatuloy niya sa malamig pa ring tinig. "I expect excellence, Miss De Miranta. And clearly, you can't deliver that."

"Sir, it was just a typo. I can fix-"

"Just a typo?" pag-uulit na naman niya, habang unti-unti na siyang lumalapit sa akin. "That typo cost the company more than two million pesos, and a reputation we've built for ten years. Do you understand that?"

"Sir, please... just give me another chance," pakiusap ko na sa basag na boses. "I can fix it, I swear. It won't happen again."

Mariin siyang umiling at niliko ang lakad patungo sa pintuang palabas. Oh my god. This is not good!

"No second chances," sambit niya, at ang malapad na likod na niya ang pinaharap sa amin lahat. "Effective immediately, you're terminated. HR will handle your clearance."

"Sir, please-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil lumabas na siya. Ni hindi man lang ako binigyan ng isa pang pagkakataong magpaliwanag.

It's over...

Sisante na talaga ako.

"Girl, kaya mo 'yan. Magaling ka naman kaya maraming tatanggap pa rin sa'yo," bulong ng officemate kong si Marga habang palabas na kami ng conference room.

Isa siya sa team kong hindi man lang kumibo kanina para suportahan ako. Gusto ko sana siyang pagsalitaan ng masasakit, kasama ang iba naming kasamahan, pero minabuti ko na lang na itikom ang bibig. After all, hindi naman siya ang nagsisante sa akin.

Nagsimula na akong magbalot-balot pagkarating ko sa lamesa ko. My hands were trembling as I shoved notebooks and pens into my bag, pretending not to hear the whispers around me.

"Omg, pati siya, hindi pinalagpas ni Boss?"

"Sayang, magaling pa naman siya. Malaking kawalan din siya sa kumpanya..."

"Perfectionist kasi si Sir Raz. Walang sinasanto."

Hindi ko sila masisi. Totoo naman kasi na walang sinasanto ang isang 'yon. Dati, hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa pagiging perfectionist niya. Hindi ko pa kasi nasasaksihan, lalo't baguhan lang ako rito.

They said he once fired a designer for choosing the wrong shade of blue, and another one for forgetting a comma in a tagline.

Oh, ngayon, nasama na ako sa listahan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo sa harap ng walang kalaman-lamang lamesa bago ako tuluyang tumayo at lumabas na ng gusali.

Paglabas ko sa glass doors ng Eros Advertising Group ay napatingala ako sa logo nito. Nasa itaas iyon ng mismong gusali. Its gold letters gleamed under the sun, and funny how I felt like it was mocking me.

"Goodbye, dream job," I muttered. "Hello, unemployment."

Napabuntong-hininga ako at tinanggap na lang ang sinapit.

Tama si Marga. Marami pa naman sigurong tatanggap sa akin na advertising company.

Pero kasi... matagal ko na talagang pangarap na mapunta sa kumpanyang iyon. Bukod sa malaki ang pasahod nila, kilala rin sila sa industriya.

I wanted to grow there, to hone my skills, to make something meaningful out of my passion for creative work.

Oh, ngayon? Paano ko na magagawa ang mga iyon kung nasisante na nga ako?

Tangina talaga. Dahil lang sa isang typo, nawala sa akin ang pinapangarap kong trabaho!

At sinong mag-aakala na sa araw ding iyon, makakahanap agad ako ng paraan para makabalik sa trabaho?

It was eight in the evening when my tired feet led me to a bar I'd never been to before.

Malapit lang ito sa tinutuluyan kong apartment. Hindi rin ito masyadong dinadayo dahil sa kamahalan ng mga alak nila, kaya dito ko napiling magpakalasing.

Oo, napadpad ako rito para maglabas ng sama ng loob.

Ngayon lang talaga lubusang nag-sink in sa akin kung gaano kasakit ang sinapit ko.

Gusto kong maglasing nang maglasing hanggang sa kusang sumuko ang katawan ko. Sa paraang iyon, malaya akong makakatulog nang walang iniisip na problema.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, dito ko pa talaga makikita ang lalaking nagsisante sa akin dahil lang sa pesteng typo.

Raz Eros Alcantara...

High school pa lang ako ay naririnig ko na ang pangalan niya kung saan-saan.

Siya ang tipo ng lalaking kung tingalain ng iba ay parang santo, dahil sa pagiging perpekto kuno niya bilang lalaki.

Bukod doon ay kilala din siya bilang mapili at may high-standard pagdating sa babae.

Sinong mag-aakala na makikita ko siya rito... na may kasamang mga p****k.

Perfect pala, huh?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 7

    Ramdam na ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko habang nanginginig akong nagtitipa ng ire-reply sa chat niya.Sa sobrang balisa ko ay hindi ko na alam ang dapat kong i-reply sa kaniya. Malapit nang maubos ang bigay sa aking oras dito pero paulit-ulit ko lang binubura ang nabubuo kong reply.Sh-t! Ano ba dapat kong i-reply?Should I ask him directly how he opened that hidden file of mine?Pero paano kung nagsisinungaling lang siya? Na wala naman talaga siyang nakita? Na hinuhuli lang niya ako? Eh 'di parang binigyan ko pa siya ng rason para magkalkal pa lalo sa cellphone kong iyon kung magtatanong nga ako tungkol doon?Lord! Ano ba 'tong napasok kong gulo?!Pinagsalikop ko sandali ang mga daliri ko at saka iyon isa-isang pinatunog. I need to chill and think wisely.Dump account ang ginamit ko, malayo sa tunay kong pangalan. May kutob ako na kahit papaano ay hindi siya sigurado kung ako nga ang nag-post.Oo, malaki ang posibilidad na iniisip niyang ako nga ang nag-post, lalo na’t ako lang

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 6

    Hindi na masakit ang ulo ko, at lalong hindi ko na ramdam ang alak sa katawan ko. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay galit, inis, tapos galit ulit!B-wisit na lalaking iyon! Kinuha na nga ang cellphone ko, ayaw pa akong papasukin sa bar niya para kunin ang pouch ko. Ano bang mapapala niya sa ginagawa niyang 'to sa akin? Ganoon na ba siya kasama?Puwes, makikita talaga niya ang hinahanap niya!Mabuti na lang at may barya ako sa bulsa. Puwede na itong pang-computer shop.Yes, I'm planning to spread that photo right now. Hindi ko na ito ipagpapabukas. Gawin niya na ang gusto niya, basta hindi ako papayag na hindi maisiwalat ang hilig niya sa mga pokpok!Akala niya, naisahan na niya ako dahil lang nasa kanya na ang cellphone ko? Puwes, nagkakamali siya!Dire-diretso ang pasok ko sa malapit na computer shop. Medyo sumama pa ang mukha ko nang pagpasok ko roon ay sinalubong ako ng pinaghalong usok ng sigarilyo at amoy ng mga lalaking mas inuna pang magbabad dito kaysa maligo.“Sam

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 5

    Huwag niyang sabihing ako ang tinutukoy niyang nerdy ugly! Oh my God! Hindi ko alam na may pagka–face-shamer din pala siya! "Sir, I only wear glasses during work hours but I'm not ugly!" galit kong depensa. Grabe. Imbes na gustuhin kong bumalik sa kumpanya niya bilang empleyado, parang gusto ko na lang siyang sapakin ngayon! Ang pangit ng ugali niya, sa totoo lang! "Oh, was that you?" he asked, looking genuinely surprised. Bahagyang nakaawang ang bibig niya habang tiningnan ako mula ulo pababa hanggang sa heels ko. Tsk. T-nginang ito, ayaw pang maniwala! "Seriously, you look completely different without those thick glasses," komento pa niya. Hindi ako ma-attitude na tao pero hindi ko na naiwasang ikutan siya ng mata. "I still look the same po with or without the glasses," I shot back, irritation dripping from my voice. "Nevermind. Just give me your phone." Nilahad na naman niya ulit sa harap ko ang kaniyang palad. Mapanglait na nga, ubod pa ng kulit. Sinabi ko nang ayaw ko;

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 4

    "Sir, hindi mo ’ko stalker. Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tinititigan niya ako ng matagal. Ako nama’y halos ilapit na ang mukha ko sa kaniya para lang matandaan niya talaga ako. Maya-maya ay umiling siya. “You said you’re one of the employees I fired, but I don’t remember you.” Seryoso talaga siya? Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Ang weird lang, kasi nitong umaga lang niya ako sinante. Imposible namang nagka-amnesia siya. Hindi rin naman mukhang nabagok ang ulo niya. Actually, he looks perfectly fine to me. Napaisip ako bigla. Kalaunan ay muntik na akong mapalakpak nang may napagtanto ako. Of course he couldn’t recognize me since I’m not wearing my glasses! Kinapa-kapa ko ang bandang dibdib ko, lalo na ang kwelyo ng suot kong damit, nagbabakasali na naisabit ko doon ang salamin ko. Kaso wala doon. Natigil ako nang maalalang naipasok ko pala iyon sa dala kong pouch kanina. Ang kaso, sa kagustuhan kong mang-blackmail kanina ay nakalimutan ko rin ang po

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 3

    "Oh, e 'di ikaw na mayaman! Sa'yo pala 'to e. Bakit 'di mo agad sinabi?!"Malalalim na ang paghinga ko matapos kong isigaw 'yon sa mukha niya.Tumalsik pa ang laway ko, dahilan para mapapikit siya. Pagkatapos ay nandidiri niyang pinahid sa natalsikan niyang mukha ang isang kamay niya."F-ck. It smells like alcohol."Medyo tinamaan ako ng kaunting hiya doon, lalo na nang amuyin pa niya ang kamay niyang pinangpahid sa natalsikan kong laway."Eh, sino ba kasing may sabing ilapit mo sa'kin ang mukha mo? Natalsikan ka pa tuloy!" Nagawa kong magpakasarkastiko kahit unti-unti na talaga akong nilalamon ng hiya.Tingin ko ay nawawala na ang epekto ng alak sa katawan ko. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo at hinding-hindi na sa kaniya magpakita.Ano ba naman kasing pumasok sa kukuti ko para gawin ang bagay na 'to?!"Now, give me..."Napatingin ako sa palad niya nang ilahad niya 'yon sa harap ko. Nang ibalik ko agad ang tingin sa mukha niya ay bahagya niya akong tinaasan ng kilay."Your phon

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 2

    Prente siyang nakaupo sa tanaw kong VIP lounge. Hindi lang iyon dahil pinapalibutan siya ng mga babaeng nasisiguro kong mga high-paid escort. Alam ko iyon, dahil kapitbahay ko si Sahil at isa siya sa kanila.Napangisi ako nang makita ko kung paano dumulas ang malikot niyang kamay sa balakang ng isa sa mga babae."Ito na pala ang perfect guy sa iba, huh?" nakangisi ko pang bulong sa sarili.Sa hindi malamang dahilan ay biglang naglikot ang utak ko. Napaayos ako ng upo at basta na lang kinapa ang cellphone sa bulsa."Bakit hindi ko naisip agad iyon?" usap ko ulit sa sarili, dahil sa naisip na plano.Alam kong mali ang gagawin kong ito, pero kung ito lang ang paraan para mabalik ako sa kumpanya niya... bakit hindi ko gagawin?Kinalikot ko ang screen ng cellphone ko at walang alinlangan kong itinapat sa gawi niya ang camera nito."Lagot ka sa'kin ngayon," bulong ko habang sini-zoom ang kuha ko sa kaniya.Nang makontento ako sa anggulo ng camera, pinindot ko na ang button nito.Ang galing!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status