“Tama ba ang ginagawa ko?” bulong ni Eli sa sarili habang nakatayo sa gitna ng katahimikan ng paint house. Para bang ang buong lugar ay humihinga nang mabagal, at siya lang ang hindi makasabay. “Bakit parang may mali… pero hindi ko maintindihan kung ano?”Hinawakan niya ang sariling sentido. May kumikirot na alaala sa likod ng kanyang isip, parang piraso ng salamin na hindi niya maikabit-kabit. “Bakit wala akong maalala nang maayos? Sino ba talaga si Daniel sa akin? At… anong dahilan niya para tulungan ako?”Ang mga tanong ay umiikot sa kanyang isipan na parang bagyong hindi tumitigil. Kanina lang, umalis si Daniel. Tahimik. Biglaan. At may bigat sa kanyang mga mata na parang may iniwan siyang hindi kayang sabihin.Ilang oras ang lumipas.Hindi mapakali si Eli. Sa bawat hakbang niya sa loob ng silid, tila may bumubulong sa kanya mula sa dingding, mula sa kisame, mula sa sarili niyang dibdib. Parang may katotohanang pilit lumalabas, pero siya mismo ang humaharang.Hanggang sa may napan
اقرأ المزيد