Huminga nang malalim si Elicia at unti-unting lumayo sa mag-ama, wari’y nirerespeto ang takot ni Carlo. Ngunit sa lihim niyang isipan, nag-aalab ang matinding galit niya sa bata—humanda ka talaga sa akin kapag umalis ang ama mo. “Okay lang, mahal ko,” sabi niya kay Demon, na may ngiting puno ng kunwaring pag-unawa. “Baka tama ka nga. Medyo nagiging masungit ako nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang pag-aalala ko tungkol sa muling pagbabalik ng ating anak.” Saglit siyang huminto, saka marahang nagpatuloy, “Pwede bang hayaan mo muna akong makipag-usap sa ibang silid sa anak natin? Baka makatulong kung kami lang muna, para maipaliwanag ko ang lahat at maipadama sa kanya ang pagmamahal ko.” “Uhmmm…” Sandaling nag-isip si Demon bago tumango, ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kamay ni Carlo. “Sige, pero huwag mong gagawin ang anumang bagay na ikakatakot niya sa’yo, Elicia,” mariing babala niya. Bumaling si Elicia kay Demon, ang mga mata’y kunwaring puno ng sakit at pag-una
Last Updated : 2026-01-11 Read more