Biglang umalingawngaw ang matinis na tunog ng monitor—sunod-sunod, mabilis, at nakakakaba. Beep! Beep! Beeeeeep… Nanlaki ang mata ni Janice. “A-ano ’yan?!” napaatras siya. “MAY EMERGENCY!” sigaw ng guard habang agad na binuksan ang pinto. Nagkagulo ang paligid. Pumasok ang mga nurse at doktor, mabilis na tinitingnan ang bumabagsak na linya sa monitor ni Donya Ursula. “BP dropping! Oxygen, now!” utos ng doktor. Nanginig ang kamay ni Don Egnacio habang nakatingin sa asawa. “Ursula… huwag mo akong iiwan,” pabulong niyang sabi, punô ng takot—habang si Janice ay nakatayo sa gilid, tahimik, ngunit may kakaibang kislap sa mga mata. “Kailangan malaman agad ito ni Demon, Papa!” sigaw ni Janice, dahilan para lumabas siya agad ng silid, halos mabangga ang isang nurse. Pagkasara ng pinto, nag-iba ang anyo niya—wala na ang pag-aalala, napalitan ng galit at poot. “Mamatay ka na sana! Bwisit kang matanda!” pabulong niyang mura, nanginginig sa galit ang panga. “Akala mo kung sino ka
最終更新日 : 2025-12-14 続きを読む