“Lucas…” mahinang ulit ni Leonardo, tila may bigat ang bawat pantig. Kumunot ang noo niya, at sa isang iglap ay may bakas ng lungkot sa malamig niyang mga mata. “Si Ursula ang pumili ng pangalan?” “Yes, Sir,” magalang na sagot ng yaya, bahagyang yumuko. “Iyon po ang bilin niya.” Saglit na pumikit si Leonardo, parang may alaala siyang pilit nilulunod. “Sige,” mariin niyang sabi pagkadilat. “Dalhin mo na siya sa silid. Ayusin mo ang lahat ng gamit niya. Lilipad na tayo sa ibang bansa mamayang alas-diyes ng gabi.” “Yes, Sir,” mabilis na tugon ng yaya, saka marahang lumakad palayo, karga si Lucas. Naiwang nakatayo si Leonardo, nakatanaw sa dulo ng hallway—may desisyong hindi na maaaring bawiin. Samantala sa lobby, nanatiling nakatayo si Elicia, tila nauupos sa gitna ng malamig na espasyo. Nanginginig ang katawan niya, ngunit sa loob ay may dahan-dahang nag-aalab na tapang. Kailangan kong puntahan si Donya Ursula, mariin niyang isip. Buhay pa si Demon—kahit hindi pa siya nagigising. K
最終更新日 : 2025-12-24 続きを読む