“Oh—sh*t! D-Demon, anong ginagawa mo! Takpan mo naman ’yang… Ano ba! Nakaka—” Hindi na niya natapos. “Ssshhh.” Isang daliri ang dumampi sa labi ni Elicia—basa, mainit, at sobra-sobrang nakakapahinto ng utak. Kasunod noon, ramdam niya ang braso ni Demon na dumungaw mula sa singaw ng banyo, mabilis at walang pagdadalawang-isip na pumulupot sa baywang niya, hinila siya papalapit na parang wala nang boundary na kailangang sundin. Nagulat si Elicia, napapikit, pero hindi rin siya makagalaw… dahil habang napapalapit siya, lalo niyang naramdaman ang buong bigat ng basang katawan ni Demon na nakadikit sa damit niyang unti-unting nababasa. “D-Demon… bakit ka ganyan—” “Tumigil ka,” bulong niya sa mismong tainga niya, isang boses na parang may halong halakhak at peligro. Hindi siya nagtakip. Hindi siya umatras. Sa halip, lalo siyang humigpit ang yakap, parang sinadyang iparamdam kay Elicia ang dahilan ng pagkapula ng pisngi nito. “Elicia…” marahang sabi niya, pero may taglay na kapangy
Terakhir Diperbarui : 2025-11-15 Baca selengkapnya