Pagkatalikod ni Janice, doon na tuluyang umatras si Elicia sa lilim ng hallway. Hindi namalayan ni Demon na nandoon siya, hindi niya alam na ilang segundo lang ang pagitan nila bago siya tumakas.Mabilis, tahimik, nanginginig ang kamay—umalis si Elicia.Hindi siya lumingon. Hindi siya huminga nang normal hanggang sa makalabas siya ng hotel.Diretso sana siyang uuwi para kausapin ang Papa niya tungkol sa nangyari, pero tumawag ito.“Anak, baka matagalan pa ako sa trabaho. Huwag mo muna akong hintayin.”Natigilan siya. Napayuko.Hindi na rin nasabi ang nangyari sa kanyang ina.Kaya imbes na umuwi…tumungo siya sa boarding house ni Fiona, ang kaibigang tanging ligtas niyang mapupuntahan.Doon niya gustong huminga—kahit sandali.Kinabukasan — Presinto.Hindi pa man sumisikat nang husto ang araw, gising na ang buong istasyon. Nagmamadaling nagpa-file ng reports ang mga pulis, may tumatawag sa telepono, may kinukulong, may pinapalaya. Ang gulo, ang ingay, at ang amoy ng lumang kape ay tila
Last Updated : 2025-11-21 Read more