Habang patuloy ang pag-ikot ng mga gulong sa kalsadang basa pa ng ambon, nananatiling tahimik si Daniel sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Elicia, na nakasandal sa bintana, maputla, tila hinang-hina. “Elicia… sigurado ka bang ayaw mong magpacheck-up? Kanina ka pa kinakabahan—” “Ihinto mo,” mahina pero mariing sabi ni Elicia, hindi man lang tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Daniel. “Ha? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Makakapagpahinga ka—” “I said, stop!” biglang sigaw ni Elicia, ngayon ay may halong panginginig ang boses. Agad na bumigat ang dibdib ni Daniel. Sa gulat at pag-aalala, madiin niyang ipinreno ang sasakyan. “Okay, okay! Sige, huminto na ako—Elicia, anong nangyayari?” Pero bago pa niya mabuksan ang seatbelt niya, mabilis na bumaba si Elicia, halos mabunggo ang pintuan sa pagmamadali. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng kalsada, hawak ang tiyan, at doon tuluyang bumulwak ang sunod-sunod na pagsusuka na kanina pa niya pinipigilan. “Elicia!”
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-18 อ่านเพิ่มเติม