PAGBUKAS pa lamang ng pinto ng VIP room, agad silang tinamaan ng nakakasilaw na liwanag sa loob. Ang magagarang ilaw, mamahaling sofa, at maayos na nakahanay na mga wine rack ay nagbigay ng impresyong ang lugar na iyon ay hindi para sa karaniwang tao.Agad na tumayo si Ashwin. Napataas ang kanyang kilay habang tinapunan niya si Evander ng mapanuksong tingin.“Nakita ko sa baba ang ginawa mo kanina, Evan. Namangha ako,” wika ni Ashwin na may halong pang-aasar.Tiningnan ni Ashwin si Bettina mula ulo hanggang paa, bago inilipat ang tingin kay Fiona na kinakabahang nakasunod sa kanyang boss.Umiling siya habang nakangisi. “At sino naman itong kasama mo, Evander? She looks so familiar…”Hindi na siya sinagot ni Evander. Sa halip, tinapunan lamang niya ito ng isang pasimpleng sulyap bago kumindat kay Bettina.“Halika. Umupo ka,” pag-aya ni Evander kay Bettina.Pagkaupo nila, napansin ni Evander na kabado at nahihiya si Bettina dahil sa sobrang ikli ng suot nito. Marahan nitong hinila pababa
最終更新日 : 2025-12-23 続きを読む