BUMULUSOK na nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong opisina matapos sabihin ni Elijah iyon. Tinitigan niya si Bettina nang matindi na para bang sigurado siyang pagkatapos ng masasakit niyang salita ay yuyuko ito, magpapakumbaba, at aamin sa pagkakamali nito.Sa haba ng pinagsamahan nila, palagi naman kasing nagpaparaya ito. Kahit ilang beses niya itong nasaktan, si Bettina pa rin ang unang lalapit. Si Bettina ang laging umiintindi at ang laging nagpapasensya kahit walang kondisyon at kapalit.At dahil doon, buo ang paniniwala ni Elijah na sigurado siyang hindi ito magre-resign.Puwedeng umalis ang lahat sa buhay niya—mga kaibigan, kliyente, kahit pamilya—pero si Bettina na iiwan siya? Imposibleng mangyari iyon.Hindi, hindi talaga… ayon sa akala niya.Pero ang inaasahan niyang magpa-panic ito at hihingi ng tawad… ay hindi nangyari. Bagkus tahimik lang na nakatayo si Bettina at may bahagyang ngiti pa sa labi.“I’ve thought it through,” sabi niya saka inilapag ang resignation le
最終更新日 : 2025-12-06 続きを読む