DAHAN-DAHAN na binaba ni Bettina ang kamay niya, habang pilit na nakangiti.“Anyway,” dagdag ni Nelson, “nakakagulat na ikaw ang hahawak ng kaso na ito. Hindi pa nga kayo nag-iisang buwan sa industriya, tapos major infringement case agad ang napunta sa inyo.” Bahagya itong tumawa. “Well… good luck.”Narinig ni Bettina ang mahihinang tawa ng ilang abogado sa gilid. Hindi man niya ipinakita, ramdam niya ang pagsikip ng dibdib niya. Pero hindi siya aatras.Umupo siya sa kabilang side ng mesa at kalmado niyang inilapag ang folder ng ebidensya. “We appreciate the chance to discuss the settlement,” mahinahon niyang sagot.Sumandal si Nelson at nagkrus ang mga braso. “Sige, pakinggan ko. Ano ang gusto mong sabihin, Atty. Bettina?”Mabilis silang nagkatinginan ni Fiona bago tumango si Bettina at nagsimula.“Una sa lahat, gusto naming tanungin ang basehan ng hinihingi ninyong ₱5 million damages sa aming kliyente. Kung wala namang malicious intent o direct copying ng patented process, masyado it
最終更新日 : 2025-12-14 続きを読む