Nang ma-check ni Dirus mula sa mga staff ng resort na nakaalis na nga roon si Purisima, ay mabilis na rin niyang nilisan ang lugar.Habang nasa biyahe siya pauwi ng Manila, tumawag din siya sa bahay nila—baka nagawi roon si Purisima, which is possible dahil nandoon ang anak nila."The little boy's with us. Sinama kami ni Dad dito sa mall niya. Obviously, they wanted to spoil your little monster with material stuffs. Nevertheless, we are glad that Lakan seems so happy to be with us." masayang salaysay sa kanya ng nakababatang kapatid mula sa kabilang linya.Lumukso sa tuwa ang puso ni Dirus. Dapat lang—dahil si Lakan ay tunay nilang apo, biologically part of their family. Positive man o hindi, aangkinin na niyang kanya talaga ang bata. But for now, kailangan muna niyang hanapin si Purisima.Hindi niya maintindihan, pero kinakabahan siya sa biglaang pag-alis nito. Para kasing may mali sa mga nangyayari, at he was completely clueless about what was going on between them. Kagabi lang ay i
Baca selengkapnya