Tuluyang nasira ang ang mood ni Ashley. Kaya kahit ang paborito niyang singer na professor ang nag-p-perform, hindi pa rin nawala ang pagkakabusangot sa mukha niya. Naka-cross ang mga braso niya habang nakasandal sa upuan, paminsan-minsang napapairap na para bang pinipilit lang niyang tiisin ang buong concert. Sinubukan ko namang libangin ang sarili ko dahil napakagaling din lahat ng nagpepeform. Iniisip ko na lang na wala sa paligid sina Kaiden at dinadama ang ganda ng musika.Hanggang sa makita ko ang susunod na performer.Napaawang ang labi ko, kasabay nang malakas na palakpakan. Suot ang kulay pula na strapless corset dress, umakyat sa entablado si Gelly. Naka-updo ang mahaba niyang buhok na lalong nagpatingkad sa ganda niya. Nagsinghapan ang mga audience. Halos lahat ay naglabas ng cellphone para kumuha ng litrato niya.Hindi ko namalayang napalingon ako sa direksyon ni Kaiden. Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko ang side profile niya, ang matalim na linya ng panga, ang tuwi
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-15 อ่านเพิ่มเติม