“Kailan po kayo uuwi, Mommy?” tanong ni Ronna mula sa kabilang linya, may halong pananabik ang boses. Saglit na tumingin si Zamarha kay Darryl bago sumagot, pilit pinananatiling kalmado ang sarili. “Kapag tuluyan na akong gumaling, anak… uuwi kami agad ng daddy mo,” malambing niyang sabi. Bahagya pa niyang hinapit ang kamay ni Darryl, na para bang natural lang ang lahat. “’Di ba, Daddy Darryl?” Napatingin si Darryl sa kanya, tila sandaling nabigla, pero agad ding nakabawi. “O-oo, baby… kapag okay na si Mommy, uuwi kami agad diyan. Promise,” sagot niya, pilit pinatatag ang boses kahit may kaunting pag-aalinlangan. Sa kabilang linya, napangiti si Ronna. “Yey! Miss na miss ko na kayo!” “Miss ka na rin namin, anak,” mabilis na tugon ni Zamarha, sabay iwas ng tingin—tila may itinatagong emosyon. Pagkatapos ng tawag, sandaling natahimik ang silid. Hindi napigilan ni Darryl na mapatitig sa kanya. Bago pa makadagdag si Darryl, biglang— Knock. Knock. Knock. Naputol ang sandali. “P
Read more