"Yes, I did," mapait na tugon ni Rowan habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapako sa aking mukha, tila ba sinusuri ang bawat ekspresyong ipinapakita ko. "Nagpa-schedule na rin ng initial hearing ang korte kamakailan. Pero hindi ka sumipot. Your lawyer is actually good. Sobrang galing niya dahil nailusot niya ang pekeng dahilan kung bakit hindi ka nakarating noong araw na yun, kaya muling nireschedule ng judge ang hearing."Nakahinga ako nang maluwag sa loob-loob ko. Mabuti naman kung ganoon. Tama nga si Tyler, napakagaling at subok na abogado talaga ni Anya. She'll win this case for sure, at wala na akong dapat pang ipag-alala sa legal na aspeto ng paghihiwalay namin ni Rowan."Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin, Rowan," pinal na tono kong saad sa kanya. "This annulment should happen. Para pareho na tayong makapagsimula muli nang maayos.""Para ano? Para malaya na kayo ni Tyler na gawin ang lahat ng gusto niyo?" bigla niyang asik, halatang-halata ang matinding
อ่านเพิ่มเติม