Teilen

Chapter 113

last update Veröffentlichungsdatum: 29.05.2026 19:57:05

TYLER

"Good morning, Mr. Santibañez," pormal na bati ni Joss, ang pinagkakatiwalaang private investigator ng The Santibañez Group, pagkapasok na pagkapasok niya sa aking opisina.

Sumenyas ako gamit ang aking kamay upang paupuin siya sa bakanteng upuan sa tapat ng aking desk. "Nagawa mo ba ang inuutos ko sa'yo kagabi?" seryoso kong tanong nang hindi nagpapaligoy-ligoy pa.

Inangat ni Joss ang hawak niyang makapal na itim na folder bago iyon maingat na inilapag sa ibabaw ng aking table. "Everythin
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (1)
goodnovel comment avatar
Hyla Luntao
More update po
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 113

    TYLER"Good morning, Mr. Santibañez," pormal na bati ni Joss, ang pinagkakatiwalaang private investigator ng The Santibañez Group, pagkapasok na pagkapasok niya sa aking opisina.Sumenyas ako gamit ang aking kamay upang paupuin siya sa bakanteng upuan sa tapat ng aking desk. "Nagawa mo ba ang inuutos ko sa'yo kagabi?" seryoso kong tanong nang hindi nagpapaligoy-ligoy pa.Inangat ni Joss ang hawak niyang makapal na itim na folder bago iyon maingat na inilapag sa ibabaw ng aking table. "Everything about Glory Ramos is in there, sir. From the day she was born up to her present life."Kinuha ko ang folder at dahan-dahang binuksan iyon. Habang tinititigan ko ang litrato ni Glory sa unang pahina, bigla kong naalala ang hitsura ni Sophia kagabi. Nakita ko kung gaano siya kagalit nang maabutan ko siya sa labas ng gate, ngunit higit sa galit, mas nakita ko ang tindi ng takot at pagkabahala sa kanyang mga mata. At ngayong magkakaanak na kami, hinding-hindi ko na pwedeng baliwalain lang ang anum

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 112

    "Yes, I did," mapait na tugon ni Rowan habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapako sa aking mukha, tila ba sinusuri ang bawat ekspresyong ipinapakita ko. "Nagpa-schedule na rin ng initial hearing ang korte kamakailan. Pero hindi ka sumipot. Your lawyer is actually good. Sobrang galing niya dahil nailusot niya ang pekeng dahilan kung bakit hindi ka nakarating noong araw na yun, kaya muling nireschedule ng judge ang hearing."Nakahinga ako nang maluwag sa loob-loob ko. Mabuti naman kung ganoon. Tama nga si Tyler, napakagaling at subok na abogado talaga ni Anya. She'll win this case for sure, at wala na akong dapat pang ipag-alala sa legal na aspeto ng paghihiwalay namin ni Rowan."Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin, Rowan," pinal na tono kong saad sa kanya. "This annulment should happen. Para pareho na tayong makapagsimula muli nang maayos.""Para ano? Para malaya na kayo ni Tyler na gawin ang lahat ng gusto niyo?" bigla niyang asik, halatang-halata ang matinding

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 111

    "Huwag mo na masyadong isipin 'yun. Ayaw kong naa-stress ka, baka makasama pa 'yan sa anak natin. I will ask my private investigator about Glory's background, hmm?" paglalambing sa akin ni Tyler habang magkatabi na kaming nakahiga sa loob ng kanyang silid.Dahan-dahan niyang hinahaplos ang aking balikat bago idinampi ang isang marahang halik doon. Napabuntong-hininga ako nang malalim at mabilis na bumaling para harapin siya nang husto. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya ngayon. Gustong-gusto kong pumunta kami sa subdivision management ngayon ding gabi para ireklamo at itanong kung paano nagawang makapasok ni Glory sa loob ng isang eksklusibo at mahigpit na komunidad. Subalit pinigilan at hinila na ako ni Tyler pabalik sa loob ng mansyon dahil bukas na bukas daw, pagkaumagang-pagkaumaga, ay siya na mismo ang aalam at mag-aasikaso niyon.Para kay Tyler, mukhang hindi niya maramdaman na isang malaking banta o threat sa buhay namin si Glory. Marahil ay iniisip niyang isa lang itong baliw

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 110

    "Naiwan ko yata ang cellphone ko sa sasakyan?" bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na hinahalungkat ang laman ng aking bag, ngunit hindi ko talaga ito makita roon.Tumayo ako mula sa gilid ng malambot na kama ni Tyler at sinulyapan ang nakasarang pinto ng banyo kung saan naroon siya sa loob at kasalukuyang naliligo. Narinig ko ang bagsak ng tubig mula sa shower. Hindi ko na siya inistorbo pa dahil alam ko na kung sasabihin kong bababa ako sa garahe para kunin ang cellphone ko, siguradong magmamadali lang itong matapos maligo para lang samahan ako sa ibaba.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba patungo sa malawak na sala ng mansyon. Pagdating ko roon, naabutan ko si Axel na nakahiga sa sofa habang abala sa panonood ng telebisyon. Agad itong napabangon at mabilis na umayos ng upo nang mapansin ang aking paglapit."Ma'am Sophia!" gulat ngunit magalang niyang bati."Axel, pwede ko bang mahiram 'yung susi ng sasakyang sinakyan natin pauwi kanina? Naiwan ko yata roon sa loob a

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 109

    Napalunok ako nang tuluyang huminto ang sasakyan sa loob ng malawak na garahe ng mansyon ng pamilya Santibañez. Mukhang napansin ni Tyler ang naging reaksyon ko at ang panlalamig ng aking mga kamay. Binalingan niya ako nang may malambot na ngiti sa kanyang mga labi at agad na hinawakan nang mahigpit ang aking palad upang payapain ang nagwawala kong dibdib."Don't be nervous. Everything will be okay," malambing niyang bulong, sapat na para tuluyang pawiin ang natitira kong takot.Tumango ako sa kanya at pinilit na ngumiti pabalik. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at sabay na humakbang patungo sa pintuan. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay agad na bumungad sa amin ang pamilyar na mga mukha sa sala. Naroon sina Manang Loring, si Amesyl, ang iba pang mga kasambahay, at ang Mommy ni Tyler. Bakas sa kanilang mga mukha na kanina pa sila hindi mapakali at talagang naghihintay sa aming pagdating.Sa isang sulyap ay agad na nagtama ang paningin namin ng ina ni Tyler. Mabilis siyang na

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 108

    "Maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa akin dito. Hindi niyo po ako itinuring na iba," emosyonal kong saad habang nagpapaalam na. "Hinding-hindi ko po makakalimutan ang lahat ng kabutihang ipinakita ninyo sa akin noong walang-wala ako."Mabilis na pinunasan ni Aling Roselda ang luhang pumatak sa kanyang mga mata gamit ang dulo ng kanyang daster. Sa loob ng isang buwan ay tuluyan na rin akong napamahal sa kanya kaya bakas sa kanyang mukha ang hirap na pakawalan ako."Kapag may oras kayong dalawa, bumalik at dumalaw kayo rito sa amin. Bukas na bukas ang pintuan ng bahay namin para sa'yo, Sophia... para sa inyong dalawa."Hindi ko na napigilan ang aking sarili na tuluyang maiyak. Tumango ako at mabilis na niyakap ang ginang. Mahigpit naman niya akong niyakap pabalik habang marahang tinatapik-tapik ang aking likuran upang patahanin ako."Huwag mo akong kakalimutang tawagan kapag nanganak ka na, ah?" bilin niya sa akin pagkabitaw sa yakap habang hawak pa rin ang magkabilang balikat

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 6

    EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 15

    "Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 7

    "Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 14

    "Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status