“Nasa kotse ko, hindi mo nakuha kahapon.” Naalala niya kasi na kinaladkad niya agad ang dalaga papasok ng bahay pagkaparada niya, kaya hindi na 'to nakakuha ng kahit ano. 'Yong phone naman, siya mismo ang nagtago dahil ayaw niyang may kumontak ditong iba.“Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Hehe... tara na nga.” Kinuha na ni Rain ang school bag niya at lalapit na sana sa kanya, pero biglang isinara ni Jared ang pinto kaya napahinto siya at nagtaka.“Tara na, male-late na 'ko.”“Masyado bang mahal ang tela ng school uniform n'yo? Ang ikli niyan, bibilhan kita ng bago mamaya.”Napatingin si Rain sa sarili niya. Hindi naman maikli 'to ah, normal lang naman na ganito ang suot ng mga estudyante.“Maikli ba? Hindi naman ah.” Noong yumuko siya para tingnan ang suot niya, biglang bumuka ang butones ng polo niya dahil sa laki ng dibdib niya, kaya kitang-kita tuloy ang cleavage niya.Napahinga nang malalim si Jared, parang toro na gigil na gigil at hindi na makapaghintay.“Hindi ko na 'to kaya. May
Read more