Mag-log inBUMILIS ANG TIBOK NG puso ni Hyacinth. Ang alaala niya sa gabing iyon ay muling nanumbalik sa kaniyang isip. Sa gabi ring iyon, parang ang bilis ng mga pangyayari at wala silang kontrol. Pero ngayon... may wisyo na si Leo at ang mga mata nito ay nakafocus na lang ngayon kay Hyacinth.Ibang iba ngayon... lahat ay kakaiba."Leo..." ani Hyacinth, sinusubukang 'wag panginigan ng boses. "Bitawan mo ako."Imbes na sumagot, may kinuhang bagay si Leo sa kaniyang bulsa na maliit lang. Napakurap lang sa pagkalito si Hyacinth.Maliit iyon na dilaw na hair clip. Si Leo mismo ang naglagay no'n sa basang buhok ni Hyacinth. At naglabas ulit ng bago... pink naman. At may isa pa. Nanigas na lang si Hyacinth sa kaniyang pwesto.Iyon ang mga hair clips na nagustuhan niya nang nagshopping siya kasama sina Cassie at Annika. Gusto talagang bilhin iyon ni Hyacinth sa araw na iyon pero bigla kasing dumating si Mona kaya hindi niya nagawa."Binili mo 'to?" gulat na tanong niya.Tahimik lang na nakatitig si L
BUMALIK ANG TINGIN NI Leo sa dorm nila Hyacinth. Noon, nagkukumahog siyang bumalik kay Jasmine kapag tinatawagan siya nito.Pero ngayon...Hindi niya kayang umalis. Hanggang sa nagulat siya nang magvibrate ang kaniyang phone dahil sa bagong follow request.Galing iyon kay Annika.Agad na inaccept iyon ni Leo. Hanggang sa ilang saglit lang, sinend bigla ni Annika ang screenshot ng naging conversation nila ni Hyacinth.Ang naging flow ng conversation na iyon ay nagtatanong si Hyacinth kung saan ay ang 'kaibagan' daw nito umano ay may nakaniig na lalaki. Pero ang lalaki ay hindi na siya kinontact pa. Tinanong pa ni Hyacinth kung ano ang ibig sabihin no'n para kay Annika.Hindi pa gaanong naiintindihan noon ni Annika ang gustong iparating talaga ni Hyacinth pero sinagot lang naman niya iyon ng kaswal lang. Sinabi ni Annika na kaya baka dahil ganoon ang lalaki sa 'kaibigan' ni Hyacinth, ay dahil nawalan na ito ng interest matapos nilang magniig. Na hindi nito kayang kunin ang atensyon ito.
"KUNG NAY NANGYARI TALAGA sa amin, aaminin ko naman agad, eh," ani Leo habang sinasalubong ang mga matang nakatingin sa kaniya ni Hyacinth. "Wala talaga..."Kalmado lang ang boses nito, hindi man lang kinakabahan."Hindi ko iyong tipo ng lalaki na kapag gumawa niyan ay idedeny agad..." dagdag pa ni Leo.Hindi nakapagsalita si Hyacinth. Napakarogante kasi ng tono ng boses ni Leo. Tama nga naman nito. Hindi talaga ito 'yung klase ng lalaki na idedeny ang ganitong bagay. Baka ipanglandakan pa nito."Kung gano'n... ano ba talaga ang relasyon mo kay Mona?" tanong ni Hyacinth."Nagpanggap siyang bilang ikaw noong gabing iyon..." ani Leo."Ano?" Hindi makapaniwala si Hyacinth kasabay ng pamimilog ng kaniyang mga mata."Sa umagang iyon nang umalis ka, pinuntahan ako ni Mona," saad ni Leo. "Pagkagising ko, siya na 'yung nasa tabi ko. Agad niyang inamin na siya iyong nakaniig ko sa gabing iyon."Tila napagtagpi tagpi lahat ni Hyacinth sa isip niya. Sa umagang iyon, tinawagan siya ni Mona at nak
ANG INGGIT NI MONA kay Hyacinth ang siyang naging mitsa ng lahat sa katapusan niya. Iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa buong buhay niya.Tapos na talaga lahat kay Mona.Bumaling ang kaniyang tingin kay Levi. Siya na lang ang natitirang taong sa kaniya. Siya na lang ang mayroon siya ngayon. Galing sa mahirap na pamilya si Levi pero maayos ang trato nito kay Mona. Ginawa nito ang lahat at nagtrabaho para sa babae. Sa nagdaang taon, malaki na ang nagastos ni Levi kay Mona pero hindi niya ito isinumbat sa babae. Kapag may problema noon ang pamilya ni Mona, willing na willing tumulong si Levi agad.Kaya hindi pwedeng mawala si Levi kay Mona."L-Levi... I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat," humihikbing ani Mona at inabot ang kamay ng lalaki. "Nagmamakaawa ako. Iuwi mo na ako. Lagi na akong magsstay sa tabi mo. Mamumuhay na lang ako ng p-payapa kasama ka..."Nabigla si Mona nang palisin ni Levi ang kaniyang kamay. "Ngayon na wala na ang lahat sa iyo dito sa syudad, saka mo n
"A-ANO? PAANO MO NALAMANG buntis ako?"Hindi makapaniwala si Mona. Natigilan na lang siya at halos hindi na makahinga sa pwesto.Biglang may kinuha si Levi sa loob ng kaniyang bulsa. Isang dokumento iyon at ipinakita iyon kay Mona."Ito. Dokumento na nagsasabing buntis ka nga. Idedeny mo pa rin ba?" mapait na tanong ni Levi na siyang ikinamilog ng mga mata ni Mona.Nagpaheck up siya sa ospital sa nagdaang mga araw. Paanong napunta sa kamay agad ni Levi ang report na iyon?Mabilis hinablot ni Mona ang papel sa kamay ng lalaki. "Saan mo nakuha ito?""May nagbigay lang sa 'kin."Ang tanong na lang talaga ni Mona ay... sino? Sino ang nagbigay no'n kay Levi?"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin, Mona? Kasi kapag nalaman ko ng mas maaga, paniguradong kasal na tayo ngayon," nanghihinang sambit pa ni Levi.Matigas na umiling si Mona. "Hindi! Hindi sa iyo ang batang dinadala ko!" hindi na niya napigilang isigaw.Hinding hindi niya aaminin ang totoo sa lalaki. Dahil sa isip niya, ang tanging ama sa a
"AH... 'YUNG MALIIT KO LANG NA ASO," sagot ni Leo."So... tuta?""Oo," nakangising saad ni Leo. "Makulit na tuta."Nagtawanan ang lahat dahil doon."Parang hirap kang paamuhin ang aso mo, Sir, ah?" mapaglarong saad ng isa. "Pero panigurado... spoiled ang tutang iyon."Namula ang pisngi ni Hyacinth doon. Alam naman na niya kung ano ang pinag uusapan nila, eh. Mabuti na lang at bumukas din ang elevator kalaunan. Walang salitang mabilis na lumabas si Hyacinth."Hyacinth, teka lang!" magkapanabay na sabi nila Cassie at Annika at mabilis na sumunod sa kaniya."Bagalan mo naman ng kaunti, Hya..."Sa loob ng elevator, pinanuod ni Leo ang pag alis nila Hyacinth, hindi pa rin nabubura ang ngisi sa labi nito. Hanggang sa nagvibrate bigla ang kaniyang phone. May mensaheng sinend si Mo a sa kaniya, halatang hindi na makapaghintay sa pagdating niya.Mona: ['Leo, nandito ka na ba?']Tumitig lang sa mensaheng iyon si Leo, walang mababasang ekspresyon sa mukha nito. Pero nagreply din naman siya kalau
NANLISIK LALO ANG TINGIN ni Hyacinth kay Axel. Itinulak niya ito, bahagyang hiningal dahil mabigat ang lalaki. Gusto na niya itong takasan sa kabila ng namumuong takot sa loob loob niya.Lalaban pa rin siya. Hindi siya pwedeng kumalma dahil kahit sino namang babae na nasa posisyon niya ngayon, mata
"A-ANO? PARANG nabingi yata ako," sabi ni Hyacinth at bahagyang napahalakhak upang mabawasan ang kaseryosohan ni Rui pero hindi naman umobra."Narinig mo kung ano ang sinabi ko, Hya. Gusto kitang maging girlfriend..." saad ni Rui.Bahagyang napailing si Hyacinth. "P-Pero... laking probinsya ako...
AALIS NAMAN na sana si Hyacinth sa ospital na iyon pero tumigil muna siya sa isang gilid. Ilang minuto ang lumipas ay saka siya umalis doon pero hindi sinasadyang nakasalubong niya si Jasmine na tila inaabangan siyang dumaan."Hyacinth..." tawag ni Jasmine."Bakit, Jasmine? Anong kailangan mo?" tak
"HYACINTH? ANO na namang ginagawa mo dito?" mataray agad na bungad na tanong ni Jasmine nang makita si Hyacinth.Naparolyo ng mga mata si Lira. "Bakit ka na naman nanditong babae ka, huh? Naiinis na ako sa pagmumukha mo dahil sa panlalandi mo kay Rui! Pwede bang umalis ka na lang? May importante ka







