เข้าสู่ระบบNAKARATING SILA SA BAR at mukhang nagkakasiyahan na ang lahat. At mukhang pinaglalaruan sila ng tadhana dahil ang pwesto na napili nila ay malapit sa pwesto nila Leo. Kasama ng lalaki sina Jasmine, Alfred at iba pang mga kaibigan nito.Nagkakasiyahan ang grupo nila Leo. Nakaupo ang lalaki sa pinaka sentro ng table nila at sa tabi nito ay si Jasmine na agaw pansin din dahil ang ganda ganda nito sa suot na dress. Ang sweet nilang tingnan sa totoo lang. Sinusubuan pa kasi ni Jasmine si Leo ng pulutan nila at inaasar na rin sila ng mga ibang kasama."Naks, ngumingiti na ang untouchable CEO na iyan, oh!""Syempre naman! Tingnan mo, si Jasmine na iyang katabi, oh!""Talagang mapapangiti ka kapag ang ganda ng katabi mo!"Ayaw man ni Hyacinth, naramdaman niya ang tila paninikip ng dibdib niya habang pinapanuod ang dalawa sa pwesto. Kung umakto kasi sila Leo at Jasmine, parang sila na lang ang tao sa mundo. Wala silang nakikitang iba.Nag iwas ng tingin si Hyacinth. Pero kalaunan, nagbago rin
HINILA NI ANNIKA papasok sa apartment niya si Hyacinth. Agad niyang naramdaman ang lamig ng kamay ng kaibigan, naisip na baka kanina pa ito doon sa labas."Ano ba talaga ang nangyari, Hya? Gabing gabi na, oh. Delekado na tapos nandito ka pa sa labas..." nag aalalang sambit ni Annika.Maliit na ngumiti si Hyacinth. "Nahulog sa hagdan si Jasmine ngayon..." sagot niya."Ano?! 'Wag mong sabihin na sinisisi ka sa nangyari sa babaeng iyon?!"Agad umiling si Hyacinth. "Hindi. Pero... nagkausap sila ni Leo na ayaw na daw ni Jasmine na... nasa iisang kwarto kami. Kaya... umalis na ako."Parang nanigas ng ilang segundo si Annika doon pero kalaunan, niyakap niya si Hyacinth ng mahigpit."Ang sasama ng dalawang iyon!" bulalas pa ni Annika. Parang maiiyak naman bigla si Hyacinth pero pinigilan niya ang sarili. "Bakit lagi ka na lang nilang trinatrato ng ganiyan?!"Hindi na lang sumagot pa si Hyacinth.SA SUMUNOD NA ARAW nga ay nagpunta sa school. Naging mabilis ang lahat dahil si Mr. Magalaman ang
TALAGANG MAY MAINIT NA BAGAY NA humaplos sa puso ni Hyacinth sa mga oras na iyon dahil sa mga salitang binitawan ni Lola Elizabeth.Kasi iyon naman ang totoo. Walang aasahan na ibang tao noon si Hyacinth. Sarili niya lang ang tanging kakampi niya.Mas lalo lang nag init ang sulok ng kaniyang mga mata kaya hindi na niya napigilan pa ang sariling yumakap kay Lola Elizabeth at dinama ang init ng katawan nito. "Lola... thank you po..." bulong niya sa matanda. Sobra ang pagpapasalamat ni Hyacinth kay Lola Elizabeth dahil tinanggap siya nito. Hindi siya nito trinatong iba kagaya ng mga ibang tao sa paligid niya. At matatawag niyang tahanan ang bahay nito dahil sa pagmamahal nito sa kaniya.Pero sa loob loob ni Hyacinth... alam naman niyang wala talaga siyang lugar doon. At kahit gustuhin pa niyang magtagal doon, hindi na pwede. Hindi pwedeng hayaan niya ang sariling masanay sa ganito. Kakailanganin niya rin ang umalis.Niyakap din siya ng mahigpit ni Lola Elizabeth at hinaplos haplos ang
KINALMA NA LANG NI Jasmine ang sarili. Hindi na niya mababago pa ang isip ni Leo. Pero sa loob loob naman niya, sigurado siyang hindi rin naman magtatagal si Hyacinth sa ganoong school. Sigurado siyang hindi kaya ni Hyacinth iyon. At kapag nangyari nga iyon, mas lalo lang itong aayawan ni Leo.Nauwi na lang sa matamis na ngiti ang inis kanina ni Jasmine. "Pero kung ayan na talaga ang desisyon mo, sige. Susuportahan na lang kita diyan..." saad niya sa lalaki.Ngumisi si Leo at pabirong pinisil ang ilong ni Hyacinth. "Good girl..." mapagbirong sabi na lang nito.Hindi na nabura pa ang ngiti ni Jasmine habang malapit siya kay Leo.BUMALIK SI JASMINE sa family house nila Leo. Tahimik sa buong mansion nang makarating siya at mabilis din naman siyang dumiretso sa kwarto.Masyado ng malalim ang gabi. Kaya naman napansin agad ni Hyacinth ang ilaw ng kakarating galing sa sasakyan ni Leo na papasok sa malaking gate. Napaisip si Hyacinth. Siguro, nagpakalate na talaga ito sa pagbabantay kay Jasm
HINDI MAN LANG tinapunan ng tingin ni Leo si Hyacinth. Mabilis itong dumiretso kay Jasmine at kinarga ito sa kaniyang mga bisig, naghahanda ng itakbo ito sa ospital."Leo, 'wag mong hayaang lokohin ka niya!" pahabol pang sabi ni Hyacinth.Pero binalingan lang siya ng isang malamig na tingin ni Leo. "Hyacinth, talagang iyan pa ang nasa isip mo ngayon, huh? Alam mo ba kung gaano ka importante kay Jasmine itong mga paa niya?!""P-Pero--""Ballet dancer siya, Hyacinth! Alam mong kailangan niya ring alagaan itong paa niya! Tingnan mo kung anong nangyari ngayon?!" putol pa ni Leo kay Hyacinth.Gulat pa rin si Hyacinth sa mga nangyari. Paanong ganito kabilis ang mga nangyari? Namalayan na lang niya na umalis si Leo buhat si Jasmine habang siya ay tila napako na lang sa kaniyang kinatatayuan, hirap makagalaw.Hindi niya itinulak si Jasmine. Ito mismo ang may gawa no'n sa sarili nito. Pero hindi nakita iyon ni Leo. Mas kakampihan pa rin talaga nito si Jasmine. Mas concern ito sa babae at mas
HINDI PA RIN NAIIBSAN ang galit ni Ronaldo. Nadagdagan pa iyon nang tumawag si Jasmine sa kaniya."Dad, may masamang nangyari po! Napunta sa wala ang presscon na inorganized natin tapos si Mommy... inaresto po siya! Bilisan niyo po at maghanap ng lawyer para mapyansahan na rin po siya!" umiiyak na sambit na lang ni Jasmine sa kabilang linya.Kinalma ni Ronaldo ang sarili at nawalan na ng choice. Gabing gabi na nang nagtungo siya sa police station kasama ang lawyer. Mabuti na lang at magaling ang lawyer kaya naman nailabas din kaagad si Carla.Halatang kabado at namumutla si Carla. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Ronaldo. Medyo anxious pa siya dahil unang beses nga niyang makulong kahit na sa sandaling oras lang."H-Honey, magpapaliwanag ako-- ah!" hiyaw ni Carla dahil bigla na lang dumapo ang kamay ni Ronaldo sa kaniyang pisngi.Sobrang sakit no'n na bahagyang tumabingi ang kaniyang pisngi. Paniguradong mamumula ang pisngi ni Carla dahil sa lakas ng pagtama ng kamay ni Ronald







