Share

CHAPTER 89: Evidence

Author: YULIANNE
last update publish date: 2026-05-24 13:33:23

"SALAMAT, PERO HINDI na kailangan," ani Hyacinth nang wala man lang pag aalinlangan.

Napasimangot na lang si Leo. "Sige na. Tutulungan kita. Hindi sa gusto kong makialam sa problemang pinasok mo, ah..." saad nito.

"Edi, 'wag kang makialam!" sagot na lang ni Hyacinth. "Kasi simula noong umalis ako sa puder mo, dapat nawalan ka na rin ng pakialam sa akin no'n!"

Biglang kumapal ang atmosphere doon. Agad na nandilim ang ekspresyon ni Leo dahil sa biglaang inis. Pero hindi naman natinag doon si Hyac
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
sino b pwede itapat kay leo para magselos kung may liligaw oh mgkaka gusto kay hya..c axel ba
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
ang galing mo hyacinth ..ang bruha na confident sa lahat na kya nya paikutin sa palad nya ang lahat at sa maling akala nila na mahina ka.. dun sila talo dahil nasa iyo ng lahat at c leo denial lng.. isip lng nagsasabi na gusto nya c jasmine at ikaw puso ang nagsasabi pero dipa nya narerealized haha
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
Wala n talaga tatalo p KY hyacinth.. . Kya DNA nya kylangan c Leo mayabang.. update po ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 150: Stage

    LAHAT NAKITA NI HYACINTH. Ang paglapit ni Mona kay Leo at ang distansya nilang halos wala ng makadaang hangin sa pagitan nila. Namuo ang mapait na ngiti sa labi ni Hyacinth.Ganitong ganito ang gusto ni Leo sa mga babae niya. Ganito ang type niya. Wala pa rin pala talaga itong pinagbago.Umiwas ng tingin si Hyacinth. Hanggang sa ilang saglit lang, nilapitan siya ng manager ng bar."Miss, oorder ka ba ng maiinom?""Hindi po," mabilis na sagot ni Hyacinth."Ah, okay. Pero may... iba ka bang gusto? Or any requests?" mabait pang tanong nito.Natigilan si Hyacinth. Hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang isang bagay. "Gusto kong... sumayaw.""Huh? Sayaw?" ulit pang tanong ng manager."Yep. Pole dance," sagot pa ni Hyacinth.Ewan ba niya at iyon ang pumasok sa isipan niya ngayon na gustong gawin.NAKATITIG PA RIN SI MONA kay Leo na tila ayaw nitong mawala ang lalaki sa paningin niya. Hanggang sa napansin niya ang tila pagbabago ng ekspresyon nito."Ano? Aakto ka na namang parang ibeben

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 149: Arrived

    "GUSTONG GUSTO AKO NI LEO..." dagdag pa ni Mona habang matamis na ngumiti. Matapos no'n ay naglakad na ito papalayo kasama ang mga staff nito at iniwan si Hyacinth na natulala na lang.Saka lang nakabalik sa reyalidad si Hyacinth nang marinig muli ang boses ni Atty. Gaspar."Ms Hya, ayaw ko mang sabihin 'to pero kapag kinalaban natin ang Cantavieja Group, malaki ang tsansa na baka... hindi natin kayanin. Ang tanging paraan upang mailabas natin si Ms. Samonte ay ang direktang pakiusapan na lang si Mr. Cantavieja mismo..."Hindi agad sumagot doon si Hyacinth pero biglang nagring ang kaniyang phone. Tumatawag si Leo. Napatitig ng matagal sa screen ng kaniyang phone si Hyacinth pero sinagot din naman kalaunan."Nandito na ako sa korte. Kanina pa ako naghihintay. Nasaan ka na ba?" bungad ni Leo sa kabilang linya.Napapikit na lang ng mariin si Hyacinth. "Leo, may nangyari kasi--""Ano na naman ba itong binabalak mo, Hyacinth? Ikaw naman ang may gusto gusto nito, 'di ba? Tapos ikaw naman it

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 148: Lawyers

    ISANG SAGLIT LANG ay tila natahimik sila pareho at ang tanging naririnig ay ang paghinga nila pareho. Humigpit ang hawak ni Leo ngunit lumwag din naman kalaunan kasabay ng mas malalim nitong tingin."Nakakadiri ako? Saan ako banda naging nakakadiri sa iyo, huh?" tila maangas pa nitong tanong."Kayong dalawa ni Mona... nakakadiri kayong dalawa..." deretsahang sagot ni Hyacinth. "May nangyari sa inyo, 'di ba?"Agad nanigas si Leo pagkarinig ng tanong na iyon. Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya alam na alam na agad ni Hyacinth ang katotohanang iyon. Paano nito nalaman ang tungkol do'n? Hindi pwede. Hinding pwedeng sa ganitong paraan malalaman ni Hyacinth ang nangyari sa kanila ni Mona.Unti unting pinakawalan ni Leo si Hyacinth. Ang kamay nito ay marahang pumisil bigla sa baba nito at inangat iyon kaya ngayon ay nagkatinginan sila pareho."So, iyon pala ang dahilan ng lahat ng 'to, ah..." tila nang uuyam pang sambit ni Leo at malamig na tumawa. "Ang gusto mo noon ay lumayo ako sa iyo,

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 147: Disgust

    NAPAKUYOM NA LANG ng kamao si Mona. Hindi niya kasi maintindihan. Bakit si Hyacinth pa? Ano bang pinagkaiba nila? Parehas lang naman silang galing sa wala. Hindi naman ito nakakalamang sa kaniya.Pero si Hyacinth, mas kalmado siya kumpara kay Mona. Kayang kaya ng babae na maging kalmado at mas rasyonal talaga mag isip. Ngunit ang mas ikinaiinis ni Mona ay ang katotohanang kasal si Hyacinth kay Leo.Bakit kasi siya pa?Sa kabilang banda, naisip din ni Mona na... kung kaya ni Hyacinth, siyempre kaya niya rin. Lihim niya itong minamanmanan. Nang nalaman niyang naghahanap ng babae si Mila, pakiramdam ni Mona ay nagkaroon na siya ng chance sa panahong iyon.Ang kaso nga lang, naunahan siya. Mas naunang nagpunta si Hyacinth kay Leo. At pakiramdam ni Mona, malaking lamang iyon ni Hyacinth sa kaniya.Napayuko na lang si Mona. "Naiintindihan ko, Mr. Cantavieja..." sagot niya sa lalaki.Hanggang sa ilang saglit lang, nagring ang phone ni Leo. Agad na sinagot iyon ng lalaki at nalamang sa family

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 146: Boyfriend

    KUMPORTABLENG SUMANDAL si Mona sa kaniyang higaan. "Nauuhaw ako..." mayamaya ay sabi nito.Agad na tumalima ang assistant niya sa gilid. "Ikukuha po kita--""Hindi ikaw," putol ni Mona sa matalim na tono ng boses. Tila nanigas naman ang assistant nito at hindi agad nakagalaw. Binalingan niya ng tingin si Hyacinth, tila ineexpect nito na siya ang gagawa no'n.Gustong umalma ni Cassie sa ideyang iyon dahil hindi naman siya tanga para hindi magets ang gustong mangyari ni Mona. Pero hindi na niya napigilan si Hyacinth."Ako na ang kukuha," sabi ni Hyacinth at nagsalin nga ng tubig sa isang baso sa gilid bago iabot kay Mona."Thank you, Hya," nakangiting sabi ni Mona.Nang aabutin na ni Mona ang baso mula kay Hyacinth, napasigaw ito bigla. "Ah!"Naitulak niya papalayo ang baso ng tubig kaya ang tubig doon ay naitapon sa kamay at damit ni Hyacinth."Hot water naman itong kinuha mo! May plano ka bang pasuhin ako diyan, huh?!" asik ni Mona kay Hyacinth.Agad na tumalima si Cassie at kumuha ng

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 145: Accused

    PARANG LAHAT NA AY yumuyuko kay Mona pati na ang hotel manager. Tinanggal ni Mona ang sunglasses niya kaya mas lalong naexposed ang kaniyang flawless makeup na mas lalo lang nagpatingkad ng kagandahan nito.Ngumiti si Mona. "Manager Vennie... long time no see po," anito bago bumaling sa mga ilang kasama. "Kilala ko po siya. Dito po ako nagtatrabaho dati."Bahagyang napangiti si Manager Vennie. "Ah... nakakahiya naman. Pero noon naman iyon, Miss Mona," saad nito. "At oo nga pala, ready na ang VIP room para sa inyo. This way po..." Iginaya niya si Mona at ang ilang mga kasama nito patungo sa pinakamahal nilang kwarto sa hotel.Habang pinapanuod na papalayo sila Mona, naestatwa na lang si Cassie."Hya... siya ba talaga si Mona?" tanong pa ni Cassie kay Hyacinth. "Bakit parang... ibang tao na siya?"Nakatingin lang din si Hyacinth sa papalayong bulto ni Mona. Nakita niya kung paano ngumito si Mona na puno ng pagmamalaki at satisfaction sa mga tao sa paligid niya. Ibang iba sa nakasanayan

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 132: Blessed

    NATIGILAN SI HYACINTH. "Anong klaseng tanong iyan, Rui?" tanong na niya lang sa lalaki.Sa loob loob ni Rui, alam naman na niya ang sagot ni Hyacinth kahit na hindi nito direktang sagutin iyon. Halatang halata naman ito."Ang akin lang... kilala ko si Leo. Hindi niya basta basta sisirain ang kung a

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 130: Lucky

    "'WAG MO AKONG HAWAKAN," asik ni Hyacinth at sinubukang lumayo kay Warren.Ang kaso nga lang, hindi naman siya nito pinakinggan. Mas nakakakilabot pa itong ngumiti. "Alam mo, kanina kaya ko pang maghintay at magpigil, eh. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya."Naalarma naman si Mona na nakarinig no

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 120: Lie

    NATIGILAN ANG ILANG MGA TAUHAN ni Hawk habang napangisi na lang ito."Wow. Hindi ko naman inaasahan na nandito ang presidente ng kompaniya ng mga Cantavieja," saad pa nito."Boss, baka 'yung hinahanap nating tao, tumakbo na sa ibang direksyon. Dapat maghanap pa tayo," suhestyon ng isa sa mga tauhan

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 112: Date

    "HAYAAN MO NA IYANG SI HYACINTH, Lira. Alam mo namang hindi siya worth it. Hindi siya karapat dapat kay Rui pero alam mo naman ang mga lalaki. Mas gusto nila ng nachachallenge sila. Tingnan mo, kapag nagtagal, mapapagod din iyang si Rui kay Hyacinth," litanya ni Jasmine kay Lira.Iyon ang gustong m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status