Share

CHAPTER 85: Bully

Author: YULIANNE
last update publish date: 2026-05-22 21:00:04

"OO," DERETSAHANG SAGOT ni Cassie. "Kasal na siya pero ayaw niya sa asawa niya. Kaya ayun... nagpapakasasa sa kabit niya. Napakagago talaga..." dagdag pa nito.

Hindi pa rin nakasagot si Hyacinth. Parang ang dali lang kasing ikwento lahat ni Cassie. Kaya gulat na gulat tuloy si Hyacinth.

Pero hindi rin makapaniwala si Hyacinth, eh. Tama si Cassie. Gago nga ang pinsan niya. At... somehow, nakikita niya ang kawawang asawa ng pinsan ni Cassie sa posisyon niya. Kasi parang parehas lang talaga sila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eileen Puson
sana Malaman na ni Lio ang totoo sya Ng ligtas sa kanya at mabuking na s Jasmin bayan
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
maraming salamat sa update po.. exciting ..buti nmn at hnd pinapatulan ni leo ang kalandian ni jasmine at wag nmn sana syang patulan ni leo khit kailan para malinis pa din sya para mapatawad pa din sya ni hya kng magbalikan na sila at sana mabuntis nnc hya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 220: Shiver

    "MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 219: Village

    MABIGAT NA NAPABUNTONG hininga si Alfred. Kinuha niya ang kumot at ipinalibot sa katawan. Maganda naman ang naging tulong ni Hyacinth. Ang kaso nga lang, habang tumatagal, talagang nilalamig na siya. Napayakap na rin siya sa sariling katawan. Namumutla na ang kaniyang labi at nanginginig sa lamig."A-Ang... lamig..." bulong pa ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang tulog.Hindi maiwasang lumapit tuloy ni Alfred at bumulong. "Ano iyon, Hyacinth? May sinasabi ka ba?" tanong niya dahil hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito kanina."M-Malamig..." sagot naman ng babae.Idinampi ni Alfred ang palad niya sa noo ni Hyacinth at tumaas pa talaga ang temperatura nito. Talagang mainit na ang balat ng babae."A-Ang l-lamig..." tila nagdedeliryong sambit muli ng babae.Hinila ni Alfred ang kumot ng babae para maibsan ang panginginig nito. Ang kaso tila wala namang naging epekto iyon. Hindi iyon napigilan ang panginginig ni Hyacinth sa lamig.Pero may isa pang natitirang option si Alfred. Iyon

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 218: Share

    BINIGYAN NI HYACINTH ng isang kyuryusong tingin ang lalaki. Gwapo naman si Alfred, sa totoo lang. Tagapagmana rin ito ng mga negosyo nila at tinitingala rin ang pamilya nila sa bansa. Pero ngayon, ibang iba ang itsura nito sa usual na postura nito. Marungis ito at maputla dahil nawalan ito ng dugo. Hindi rin tuwid ang paglalakad dahil sa injury sa paa pero kahit papaano, gwapo pa rin naman ito. Ibang iba sa istilo ni Leo na laging malamig ang aura pero hindi naman ito napang iiwanan."'Wag mong sabihing... nag aalala ka talaga para sa akin? Bakit mo ako sinundan?" mapagbirong tanong ni Hyacinth sa lalaki.Hindi kasi talaga naniniwala si Hyacinth na ginagawa ito ni Alfred para sa ibang bagay. Bakit naman kasi kailangan pa nitong sumunod?Napasimangot agad si Alfred doon. Arogante pa niyang tiningnan si Hyacinth. "'Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ako? Mag aalala sa iyo? Nananaginip ka ba ng gising?"Natawa ng bahagya si Hyacinth. "Biro lang. Alam ko naman na wala ka tal

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 217: Bodyguard

    BAGO PA MAN MAKAPAGREACT SI Hyacinth, sinugod na siya ni Manuel. Kinabahan siya lalo at sinubukang lumayo pero dahil sa panginginig niya, hindi naging mabilis ang kilos niya. Masyadong mabigat si Manuel na mabilis nitong nailapag basta ang katawan ni Hyacinth sa sahig.Agad na kumilos si Manuel at pinunit ang damit ni Hyacinth. "Baliw na baliw ako sa iyong babae ka! 'Wag ka na lang manlaban para hindi ka na mahirapan pa!"Parang nahihilo bigla si Hyacinth sa kaba. Walang silbi ang pagpupumiglas niya dahil sa bigat ni Manuel sa ibabaw niya. "Umalis ka nga diyan! Isipin mong mabuti itong pinaggagagawa mo! Darating na ang asawa ko. Hindi lang siya basta basta... mayaman at makapangyarihan din siya at kayang kaya niyang sirain ang buhay mo kapag nalaman niyang dinapuan mo ako kahit dulo lang ng daliri mo!"Masyado ng bulag sa sariling pagnanasa si Manuel na hindi na nito pinansin ang mga sinabi ni Hyacinth. Sa isang marahas na galaw, pinilas nito ang collar ng suot ng babae "Kalimutan mo

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 216: Rough

    SA ISANG MABILIS na pagbaluktot ng bato, naibalik na iyon sa tamang pwesto. Masakit iyon para kay Alfred kaya nagcollapsed na lang siya sa kama habang hinihingal at pilit na humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili.Suminghap ang manggagamot. "Teka... naibalik mo sa dati ang pwesto ng buto niya ng gano'n lang kabilis?! Napakagaling na tanging ang legendary doctor lang ang nakakaalam no'n sa pagkakaalam ko!"Nakahiga lang doon si Alfred, putlang putla pa rin. "A-Anong ibig mong sabihin?" tanong na lang niya."Mali ang pagkakaintindi mo! Hindi ka niya pinipilayan o pinapalala ang kondisyon ng paa mo! Inayos nga niya, eh! Halatang magaling siya at may alam sa medical field! Iniligtas niya ang buhay mo!"Natigilan na lang si Alfred doon. Mali ba talaga siya ng pagkakaintindi sa ginawa ni Hyacinth?"Humingi ka ng dispensa sa kaniya," dagdag pa ng manggagamot. "Siya ang dahilan kung bakit maayos na iyang paa mo ngayon."Napatingin si Alfred kay Hyacinth na medyo lumayo na. Alam naman

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 215: Crack

    "PUCHA... BOMBA IYAN, AH?! Bakit may ganiyan dito?!" namumutlang bulalas ni Alfred, hindi makapaniwala.Kinabahan na rin si Hyacinth. Parang dumoble na ang bilis ng oras sa bombang iyon. Nasa tatlumpung segundo na...30... 29... 28...Hinila ni Hyacinth si Alfred sa laylayan ng jacket nito. "Kumalma ka nga! 'Wag ka lang palakad lakad lang diyan dahil malapit na ang pagsabog niyan!""Eh, anong gagawin natin?!" nagpapanic pang tanong ni Alfred.Napatingin si Hyacinth sa railing bago sa malalim na tubig sa dagat. "Wala na tayong ibang choice kundi ang tumalon diyan.""Nababaliw ka na ba?! Baka nakakalimutan mong nasa gitna tayo ng dagat ngayon!""Sige, pumili ka. Tatalon ka ngayon diyan sa tubig o matutusta ka sa apoy mula sa pagsabog."Halatang natigilan doon si Alfred. "H-Hindi ako tatalon diyan!" naiiling pang bulalas nito.Hindi na naiwasan pang mapairap ni Hyacinth dahil sa kaartehan ni Alfred. Kaya naman nawalan na rin siya ng choice. Sinipa na niya sa likuran si Alfred hanggang sa

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 04: Pull

    MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 03: Dyosa

    "BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 02: Divorce

    "H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 01: Birthday

    WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status