LOGINNatigil ang kamay niya sa ere.Ang distansya ng mga daliri niya sa pisngi ko ay wala pang isang pulgada, pero pakiramdam ko ay milya-milya ang layo namin sa isa't isa.Nakita ko kung paano napunit ang kaluluwa niya sa simpleng pag-atras ko na 'yon.Ang ekspresyon sa mukha niya... hindi ko makakalimutan. Isang lalaking nakatanggap ng pinakamasakit na sampal nang hindi man lang nahahawakan.Bumagsak ang mga balikat niya. Ang nanginginig niyang kamay sa ere ay dahan-dahang bumaba at mahigpit na naikuyom sa gilid ng hita niya.Tumalikod siya nang bahagya, humugot ng isang malalim at basag na hininga, pilit pinapatay ang sariling instinct na yakapin ako.“I'm sorry,” mahina niyang bulong muli, ang boses ay puno ng self-disgust. “I forgot. I forgot I shouldn't touch you.”Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang sakit. Bakit ang sakit-sakit makita siyang ganito? Ito ang ginusto ko, 'di ba? Ang itaboy siya? Ang igiit ang boundaries ko?Pero bakit ngayon na sinusunod niya ang bawat gusto ko, para
“Buntis ako, Rhamesis.”Natigil ang paghinga niya.Literal na tumigil. Ang mga mata niyang kanina ay seryoso ay biglang nanlaki. Ang mga balikat niyang laging tuwid at matigas ay tila bumagsak. Nawala ang kulay sa mukha niya, parang may humigop ng lahat ng dugo niya pababa.Tinitigan niya ako. Matagal. Tapos, dahan-dahan, bumaba ang paningin niya patungo sa tiyan ko na nakatago sa ilalim ng lamesa.Hindi siya gumalaw. Hindi siya nagsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang jazz music ng cafe at ang mabilis na pintig ng sarili kong puso.Expected ko na magiging possessive siya. O kaya naman, expected ko na ngingiti siya nang mala-demonyo at sasabihing, “Akin ka na ulit.”Iyon ang gawain ng Rhamesis Wilton na nakilala ko sa Crimson Cloud Nine. Iyon ang gawain ng lalaking manipulahin ang lahat para lang makontrol ako.Pero wala.Nanginginig ang buong katawan niya nang muli niyang iangat ang paningin niya sa mga mata ko. Ang mga mata niya ay namumula. Ang panga niya ay nanging
Isang bagong mensahe.Rhamesis: I hope you're okay.Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa loob ng apat na sulok ng Premium Suite.Limang simpleng salita na galing sa numero niyang matagal ko nang gustong burahin pero hindi ko magawa.Ang mga daliri ko ay nanginginig na umawang sa ibabaw ng screen.I hope you're okay.Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ko, kasunod ang pagbagsak ng isang panibagong luha. “Okay? Tingin mo ba okay ako, Rhamesis?” bulong ko sa madilim na kwarto, para bang naririnig niya ako.Kusa kong pinindot ang reply box. Ang isip ko ay nagwawala, nag-uunahan ang mga salitang gusto kong ibato sa kaniya.Type. Buntis ako. Masaya ka na? Buntis ako at hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang batang ito nang hindi naiisip ang mga ginawa mo!Masyadong mabigat ang mga salitang iyon para sa akin, at higit sa lahat. Iyon ba talaga ang dapat kong sabihin?Marahas kong pinindot ang backspace. Delete. Hindi. Hindi ko pweden
“That's your baby's heartbeat, Kikay,” nakangiting sabi ng doktora. “Strong and steady.”Hindi ko na napigilan. Kusang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko, tuluy-tuloy, walang patid.Napahawak ako sa bibig ko at umiyak nang humihikbi. Ang tunog na iyon... ito ang pinakamagandang musikang narinig ko sa buong buhay ko.May buhay sa loob ko. Isang inosenteng buhay na walang kinalaman sa gulong pinasok namin ng ama niya.Dahan-dahan kong ibinaba ang nanginginig kong kamay at idinampi iyon sa ibabaw ng malamig na gel sa tiyan ko.Mahal kita, bulong ko sa isip ko, ang puso ko ay umaapaw sa isang klaseng pagmamahal na ngayon ko lang naramdaman. Mamahalin kita nang buong-buo. Walang kulang. Walang pag-aalinlangan.Pero kasabay ng pagbuhos ng pagmamahal na iyon ay isang nakakapasong katanungan na sumaksak sa utak ko.Handa kong ibigay ang buong puso ko sa anak na ito... pero paano kung ang totoo, mahal ko pa rin ang ama niya?Tinitigan ko muli ang bakanteng upuan. Ang sakit. Ang sakit-sa
Umaga na.Nakatayo ako sa harap ng malaking bintana ng Premium Suite, pinapanood ang pagsikat ng araw na nagbibigay ng kulay kahel sa buong siyudad. Malamig ang salamin na nakadikit sa noo ko, pero ang utak ko ay nagliliyab sa dami ng tumatakbo rito.Kagabi, umiyak ako. Kagabi, hinanap-hanap ko ang multo ng lalaking sumira at bumuo sa akin. Pero ngayong umaga? Ngayong umaga, pinunasan ko na ang mga luha ko.Tama na, Kikay, mariing bulong ko sa sarili ko, humihugot ng isang malalim at matapang na hininga. Kung paninindigan niya ang pag-alis niya, paninindigan ko ang kalayaan ko.Naglakad ako pabalik sa gilid ng kama ni Mama. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Kinuha ko ang network tablet na ibinigay sa akin at binuksan ang digital bank portal. Tinitigan ko ang pangalan ko sa screen.Account Name: Kikay [REDACTED] Irrevocable Medical Trust Fund: PHP 50,000,000.00Ito ang perang ipinangalan niya sa akin kapalit ng tuluyang pag-alis niya sa buhay ko. Hindi na ito galing sa kaniya bilang "
Kinagabihan. Mas lumakas ang ulan sa labas. Ang mga kulog at kidlat ay nagpapaliwanag sa madilim kong kwarto.Nakatulog ako matapos ang ilang oras na pag-iyak na hindi ko maintindihan. Sabi ng OB ko, hormones daw ito dahil sa pagbubuntis. Pero alam ko sa sarili ko na mas malalim pa roon ang dahilan.Sa panaginip ko, wala ako sa ospital. Wala ako sa siyudad.Nasa isla kami. Sa isla kung saan niya binago ang lahat. Sa lugar kung saan pinaalala niya sa aking mahal ko siya!Ang amoy ng maalat na hangin at ang tunog ng malalakas na alon ay pumuno sa pandinig ko. Nakatayo ako sa balkonahe ng malaking resthouse, pinapanood ang bagyo.Nanginginig ako sa lamig.Tapos, naramdaman ko iyon.Ang malalaking braso na pumulupot sa baywang ko.Ang mainit at matibay na dibdib na sumandal sa likuran ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko, ang mainit niyang hininga ay humaplos sa leeg ko.“I’m here, Baby. I’ve got you,” bulong niya, ang boses ay puno ng siguridad at pagnanasa. “Hindi kita iiwan.”
CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p
“You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p
CHAPTER 2:“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako muli sa ibaba.Sumasayaw pa rin siya sa ilalim ng madilim na p
“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.Tumango siya, tila n







