แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: ExDealers
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-20 08:30:04

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit nananakit pa ang katawan ko sa biyahe kahapon. Pagkatapos kong maligo at isuot ang aking uniform bilang kasambahay—isang simpleng itong Bestida na may puting apron—ay sinamahan na ako ni Manang Minda sa pangunahing bahay ng mansyon.

Literal na napalunok ako ng sarili kong laway habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo. Ang sahig ay kasing-kintab ng bumbunan ng bagong panganak na sanggol, at ang mga chandelier sa kisame ay mukhang kayang tustusan ang buong taong gastusin ng aming pamilya sa probinsya. Pakiramdam ko ay kailangan kong mag-insole ng balat ng saging para hindi ako makalmot o makasira ng kahit ano rito.

“Huwag kang mataranta, Freya. Huminga ka nang malalim,” bulong sa akin ni Manang Minda habang itinutuwid ang kuwelyo ng damit ko. “Si Ma'am Malyn ang pinakalma rito, huwag kang matakot.”

Tumango ako nang tatlong beses at nag-sign of the cross sa dibdib ko. Lord, patawad po kung nadapa ako kanina sa may pintuan, paki-bless na rin po ang interview ko kay Madam.

Nang kumatok si Manang Minda sa malaking pintuan ng home office at pumasok kami, sumalubong sa akin ang isang napakagandang ginang na may tindig ng isang reyna. Si Mrs. Malyn Grandford. Kahit may edad na ito, kitang-kita ang gilas at elegance sa mukha nito. Ngunit ang ikinagulat ko ay ang pagngiti niya sa amin nang buong-puso—walang bakas ng pagiging suplada.

“Ikaw ba si Freya, ang anak ni Shiela?” nakangiting bati sa akin ni Mrs. Malyn habang lumapit ito at hinawakan ang aking mga kamay. Nanginginig pa akong nagmano.

“O-Opo, Ma'am! Magandang umaga po,” nauutal kong sagot.

“Naku, huwag kang kabahan. Masaya ako at nandito ka na para makatulong sa amin. Balita ko ay napakasipag mo,” sabi niya habang pinapaupo ako sa isang malambot na sofa. Para akong sinaksakan ng pain reliever sa likod dahil biglang nawala ang pagod ko. Ang bait pala ni Madam! Hindi tulad ng napapanood ko sa teleserye na binubuhusan ng tsaa ang mga katulong kapag mali ang timpla.

Habang nag-uusap kami, naglabas si Mrs. Malyn ng tsaa at mga cookies. Dito na niya sinimulan ang mga bilin tungkol sa pagpapatakbo ng mansyon, partikular na ang tungkol sa kaniyang dalawang anak.

“Alam mo, Freya, may dalawa akong anak na lalaki,” panimula ni Mrs. Malyn habang umiinom ng tsaa. “Ang bunso kong si Matthew, napakadali lang pakisamahan 'yon. Palabiro at palatawa, kaya kahit anong ihanda mo o iutos mo ay hinding-hindi ka mamomroblema.”

Tumango-tango ako. Aba, paborito ko 'yan! Yung tipong tipikal na poging lalaki na hihingi ng pabor tapos bibigyan ka ng extra tip.

“Pero pagdating sa panganay ko...” dagdag ni Mrs. Malyn na bahagyang bumuntong-hininga at napailing. “Si Raphael... ibang usapan 'yon.”

Napakunot ang noo ko. “Bakit po, Ma'am? May sungay ba?”

Natawa nang mahina si Mrs. Malyn. “Wala naman, iha. Sadyang seryoso lang talaga sa buhay. Masungit, laging seryoso ang mukha, at ayaw na ayaw niyang may gumagalaw ng mga gamit niya nang walang pahintulot. Kaya sa ngayon, hayaan mo na muna si Manang Minda ang mag-asikaso sa kaniya habang bago ka pa lang at hindi pa sanay sa ugali niya.”

Hallelujah! Gusto kong mag-breakdance sa tuwa sa loob ng opisina! Praise the Lord, exempted ako sa lalaking 'yon! Kung si Manang Minda na ang bahala sa kaniya, edi ligtas ang mental health ko sa kasusungit niya.

“Opo, Ma'am! Ako na po ang bahala kay Sir Matthew at sa iba pang gawaing-bahay. Kay Manang na po si Sir Raphael,” mabilis kong pagsang-ayon na may kasamang matamis na ngiti.

“Mabuti naman kung ganoon,” ani Mrs. Malyn. “Isa pa pala, kailangan mong mag-ingat ng mabuti dahil bukas na bukas din ay uuwi na si Raphael galing Italy. Galing siya sa dalawang linggong business trip doon, kaya siguradong pagod at napakasama ng timpla ng ulo niyon pagdating dito.”

Napatango ulit ako. Ah, galing Italy. Edi jet-lagged. Tapos bilyonaryo. Tapos masungit pa. Perfect combination ng isang walking volcano.

“At isa pa, Freya... may pagka-germaphobia ang batang 'yon,” babala ni Mrs. Malyn na nagpaseryoso sa mukha niya. “Kaya siguraduhin mong malinis na malinis ang buong silid niya at pati na ang buong bahay. Ayaw na ayaw niyang nakakita ng kahit kapirasong alikabok o kalat. Kapag may nakita siyang dumi, tiyak na sasabog ang bulkan.”

Nalunok ko ang laway ko. Germaphobia? Alikabok? Eh sa kwarto ko nga minsan may makikitang lumilipad na ipis na parang helicopter, paano pa kaya sa isang bilyonaryong may allergy sa dumi?

“Masusunod po, Ma'am! Ipa-polish ko po ang buong mansyon hanggang sa mamula ang mga tuhod ko kakahugas,” determinadong sagot ko.

Nagkatawanan kami ni Mrs. Malyn bago ako pinagpahinga muna para makapag-roster ng mga gagawin ko sa buong araw. Habang naglalakad ako pabalik ng maid's quarters kasama si Manang Minda, hindi ko maiwasang mapaisip.

‘Naku, masungit na bulkan ka pala ha? Buti na lang at si Manang Minda ang sasalo sa mga sigaw at kasungitan mo. Magdildil ka ng alikabok dyan habang ako ay masayang naglilinis ng kwarto ni Sir Matthew!’ 

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Playing Fire with My Boss   Chapter 137

    Pagpasok ko sa maliit at maaliwalas na cafe malapit sa mall, agad akong sinalubong ng amoy ng bagong giling na kape at mainit na tinapay. Halos alas-dose na, at hindi ganoon karami ang tao sa loob—sakto lang para makapag-usap nang hindi kailangang magsigawan.Inigala ko ang paningin ko sa bandang sulok na malapit sa malaking glass window, at doon ko nakita si Yhomer na kumakaway nang bahagya. Naka-simpleng polo shirt siya at slacks, may nakabukas nang menu sa harap niya at may dalawang baso ng tubig na nakahanda."Freya!" nakangiting bati niya paglapit ko sa mesa. Tumayo siya nang magalang bago ako umupo. "Kamusta ang biyahe mula sa mansyon? Buti naman at nakatakas ka kahit isang araw lang sa trabaho.""Himala nga at walang biglaang tawag o utos ngayong araw," natatawa kong sagot habang inilalapag ang maliit kong sling bag sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Literal na rest day ko 'to. Ang sarap sa pakiramdam na hindi nakatingin sa relo para sa susunod na meeting.""Dapat lang," nakangiti

  • Playing Fire with My Boss   Chapter 136

    Pagbaba ko sa dining area ng mansyon kinabukasan ng umaga, inaasahan ko nang tahimik ang mesa dahil rest day ko at hindi ko kailangang magmadali. Naka-white top at faded jeans lang ako, nakalugay nang maayos ang buhok ko, at may hawak na maliit na sling bag sa balikat. Halatang hindi ako papasok sa opisina—maliban na lang kung may isang lalaking hindi marunong magbasa ng schedule."Good morning, Freya."Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa gilid ng mahabang lamesa. Nakaupo doon si Raphael, naka-casual shirt na medyo nakatupi ang manggas hanggang siko, habang umiinom ng kape. Hindi pa siya naka-tuxedo o suit, bagay na nagpapalambot sa karaniwang matalas niyang aura."Good morning din," sagot ko, pilit na pinapapakalma ang tibok ng puso ko. Aba, nandito pa siya? Hindi pa pumapasok?Ibinaba niya ang tasa ng kape at dahan-dahang pinagmasdan ang suot ko—mula sa simpleng white top, hanggang sa faded jeans, at pati na sa maliit kong bag. Unti-unting sumilay sa lab

  • Playing Fire with My Boss   Chapter 135

    Pagpasok ko pa lang sa sarili kong kwarto sa mansyon, isinara ko agad ang pinto, ni-lock pa nang dalawang beses na parang may hahabol sa akin na tulisan, at sabay bagsak nang patihaya sa malambot kong kama. Thud!Hindi ko na hinubad ang sapatos ko nang maayos—basta na lang bumagsak ang isang takong sa sahig habang nakatitig ako sa kisame. Tahimik ang kwarto. Malamig ang aircon. Pero ang dibdib ko? Parang may nagpapatakbo ng karera ng kabayo sa loob."Hala," bulong ko sa kisame, dahan-dahang inilagay ang kanang kamay ko sa noo ko. "Freya... bakit ka nakangiti mag-isa na parang nakalunok ng isang kilong asukal?"Umikot ako nang patagilid, kumuha ng unan, at niyakap ito nang mahigpit. Sa isip ko, paulit-ulit na nagre-replay ang nangyari kanina. Yung pag-salo niya ng lukot na papel. Yung pag-upo niya sa gilid ng mesa ko. Yung ngiti niya na parang may dalang sariling liwanag sa madilim na opisina. At higit sa lahat—yung kamay ko na kusang pumayag hawakan niya nang walang pag-aalinlangan."

  • Playing Fire with My Boss   Chapter 134

    Bumaba ako saglit sa unang palapag para kumuha ng bagong pitcher ng malamig na tubig para sa opisina nang mapansin kong bahagyang tahimik ang bandang garahe at pasilyo. Habang naglalakad pabalik, nakasalubong ko ang isa sa mga tauhan sa mansyon na may dalang tray."Ma'am Freya," bati nito nang bahagyang tumigil. "Pinapasabi po pala ni Sir Matthew na may pinuntahan siyang site sa labas ngayong hapon at baka gabihin na po siya ng uwi."Napahinto ako nang bahagya. Umalis si Matthew? At hindi man lang nagpaalam nang diretso sa akin?Kadalasan kasi, kahit papano ay may mabilis na kaway, asar, o kahit simpleng pahabol na paalala si Matthew kapag umaalis siya. Ngayon, parang biglaan—at mas tahimik kaysa sa nakasanayan."Sige, salamat sa pag-inform," sagot ko na lang nang mahinahon bago nagpatuloy paakyat sa opisina.Pagpasok ko sa loob, naabutan ko si Raphael na nakaupo sa gilid ng desk niya, nakapamulsa ang isang kamay habang nakatingin sa labas ng bintana. Paglingon niya at makita ako, aga

  • Playing Fire with My Boss   Chapter 133

    Nakatayo ako sa gilid ng malaking bintana sa hallway malapit sa opisina ni Kuya Raphael, hawak ang isang baso ng kape na matagal nang lumamig. Mula rito, kitang-kita ko ang bahagyang nakabukas na pinto at ang mga pigura sa loob—si Freya na tumatawa nang mahina habang inaayos ang mga dokumento, at si Kuya Raphael na nakasandal sa gilid ng mesa, nakangiti nang malambot na halos hindi ko nakita sa loob ng maraming taon.Hindi na ako bulag. Kahit gaano ko pa itanggi sa sarili ko noong nakaraan, hindi na pwedeng pagdudahan ang nakikita ng dalawang mata ko. Nagkakaayos na sila. At mas masakit pa—unti-unti na silang nagiging malapit sa isa't isa, sa paraang hindi na mukhang pilit o pagpapanggap.Napabuntong-hininga ako nang malalim at marahang ipinikit ang mga mata. Ayan na naman, saway ko sa sarili ko habang nararamdaman ang mabigat at mapait na kirot sa dibdib. Ang tagal mong nagkunwaring trip-trip lang o basta pag-aalala lang. Ngayon, harapin mo ang totoo, Matthew.Hindi na basta "medyo"

  • Playing Fire with My Boss   Chapter 132

    Napakasarap ng simoy ng hangin dito sa paborito kong private lounge habang marahan kong pinapaikot ang laman ng wine glass sa aking kamay. Kung akala ng magaling na si Raphael ay tuluyan na akong nawala sa eksena matapos ang mga nangyari, nagkakamali siya nang malaki. Sa mundong ginagalawan namin, walang tuluyang nawawala—nag-aabang lang ng tamang tyempo para maningil.Bumukas ang pinto sa likuran ko nang walang katok, at pumasok ang isa sa mga bayarang mata at tainga ko sa loob mismo ng kumpanya ni Raphael. Nakayuko ito, halatang kinakabahan sa aura ko."Ano na?" malamig kong tanong nang hindi man lang nililingon ang tauhan ko. "May maganda ka bang balita, o sayang lang ang ibinabayad ko sa'yo?""M-Ma'am Carmilla," nauutal nitong simula habang mabilis na lumapit sa mesa. "May nakalap po kaming bagong impormasyon mula sa loob. Si Freya po... hindi na po siya basta-basta sa mansyon o sa mababang posisyon. Ginawa na po siyang personal assistant ni Sir Raphael."Natigilan ako. Huminto sa

  • Playing Fire with My Boss   05: Suprer R-18+

    Denise's POV"Hubad." Utos niya sa baritong boses.Napalunok ako pero agad ko ring sinunod ang sinabi niya. Dahan-dahan kong hinubad ang fitted dress na suot ko, dahil wala akong suot na bra at hinubad ko na kanina sa sasakyan niya ang panty ko— bumungad sa kaniya ang hubo't hubad kong katawan.Napa

  • Playing Fire with My Boss   04: Royal Blood

    Denise's POV "Ughh~!" Ungol ko ng tuluya siyang nakarating siya sa dibdib. Mabuti nalang ay sleepless ang suot kong dress at dahil meron na ring manipis na foam ang dress, hindi ko na kinailangan pang magbra, kaya walang kahirap-hirap niya lang binaba ito at agad na bumungad sa kaniya ang malalaki

  • Playing Fire with My Boss   02: Gray Eyes

    Denise's POV "Where have you been, Denise?!" Pabagsak na bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang galit na ekspresyon ni Mommy. Napatigil si Miya sa pag-aayos ng buhok ko at pareho kaming napalingon sa pintuan ng nagpupuyos sa galit na pumasok ang aking Ina."You!" Dinuro niya ako, "Are you reall

  • Playing Fire with My Boss   01: Take My Virginity R-18+

    Denise's POV"Ughhh~!" Halinghing ko ng unti-unting bumaba ang mga halik niya sa aking baba papunta sa aking leeg hanggang sa umabot siya sa aking dibdib. "Ohhhhh~!" Ungol ko ng maramdaman ang kakaibang kiliti sa katawan ko nang dumampi ang labi niya sa aking mga malulusog na bundok."Please.... Hm

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status