Aella's POV Pagkatapos ihatid ni Elsa si Luna sa school, tuluyan nang binalot ng mabigat na katahimikan ang buong Unit B. Nakatayo ako sa gitna ng sala habang si Zion naman ay tahimik na nag-aayos ng kaniyang laptop sa dining table, tila walang kamalay-malay sa bagyong namumuo sa dibdib ko. Hindi ko na kayang magpigil. I need answers right now. "Zion, mag-usap nga tayo," panimula ko, sapat na ang lamig sa boses ko para mapatigil siya sa kaniyang ginagawa. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, bahagyang nagtataka ang kaniyang ekspresyon. "Sure, Aella. Is this about the ongoing layout papers or something else?" "Huwag mo na akong idaan sa trabaho, Zion," hakbang ko papalapit sa kaniya, ramdam ko ang unt-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. "Narinig ko ang tawag mo kanina sa garden. Narinig ko 'yung tungkol sa DNA test at sa confirmation na hinihintay mo." Bahagyang natigilan si Zion. Mabilis na nagbago ang kaniyang mga mata, ibinalik niya ang kaniyang cold and formal demea
Magbasa pa