Aella's POV Bumalik ako sa Unit B na parang lumulutang ang mga paa ko. Kahit anong gawin kong pag-ayos sa mga layout papers sa sala, hindi ko maalis sa utak ko ang mga sinabi ni Zion sa study room niya. Alam ko na ang totoo na siya ang ama ni Luna, pero may kung anong mabigat na pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may kulang pa rin sa mga ipinaliwanag niya. Hindi nagtagal, kumatok si Zion sa pinto. Pumasok siya sa sala na may bitbit na baso ng tubig, at halatang sinusubukan niyang ibalik ang kaniyang kalmadong CEO posture kahit na kitang-kita pa rin ang pamumula ng kaniyang mga mata. Naupo siya sa tapat ko, ang kaniyang mga siko ay nakatukod sa kaniyang mga tuhod. "Aella, I know you're mad. You have every right to be. Pero gusto ko lang malaman mo na simula nung dinala ko kayo rito sa compound, wala akong ibang inisip kundi ang safety niyo." "I know, Zion. Sinabi mo na 'yan kanina," sagot ko habang pinipilit na huwag manginig ang boses ko. "Pero bakit pakiramdam ko, hanggang ng
Mehr lesen