Aella's POV Nagsisimula pa lang kaming mag-ayos ng mga layout papers ni Zion nang biglang tumunog ang intercom mula sa guardhouse. Pagkasagot ko, sinabi ng guard na may nagpipilit pumasok na bisita. Bago ko pa man sila mapigilan, narinig ko na ang mabibigat na yabag sa labas ng Unit B, na sinundan ng isang malakas at mayabang na katok. Pagkabukas ko ng pinto, parang bumaliktad ang sikmura ko. Si Jacob. Nakangisi siya habang naka-suit, mukhang galing sa isang legal meeting pero halatang may masamang balak. "Hi, Aella. Long time no see. Mukhang comfortable na comfortable ka na rito sa bagong place mo, ah." "Anong ginagawa mo rito, Jacob?" galit na tanong ko, agad kong hinarangan ang pinto para hindi niya makita si Luna sa loob. "Umalis ka na bago ko pa tawagin ang security." "Don't be so defensive, Aella," sabi niya sabay taas ng isang puting envelope na hawak niya. "I am here for official business. My lawyer prepared this. I am officially filing for visitation rights for Luna." N
Baca selengkapnya