ANDREAILANG araw na rin ang lumipas mula ng mag-s3x kami ni Renjie. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko dapat siya pakitunguhan kapag kaming dalawa na lang. Ang nakakainis, siya naman ay parang walang ipinagbago. Ganoon pa rin siya. Makulit, ganoon pa rin ang mga joke niya, at kung minsan ay parang nakakalimutan niyang may nangyari sa amin.Noong araw na iyon, nasa byahe kami patungo sa kumpanya. Habang nasa loob kami ng sasakyan, panay lang ang kuwento niya tungkol sa mga nangyari sa bahay nila at kung paano inubos ng mga kapatid niya ang pagkain na dala niya noong nakaraang gabi. Nakikinig lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana at paminsan-minsan ay sumasagot kapag may tinatanong siya.Pagdating namin sa building, bumaba ako at isinara ang pinto. Naglakad na ako papunta sa entrance habang hawak ang bag ko, pero ilang hakbang pa lang ay bigla akong napahinto. Hindi ko alam kung bakit, pero napalingon ako sa direksyon ni Renjie.Nandoon pa ri
อ่านเพิ่มเติม