Cara Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kanyang mga labi na nakadapo sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko napigilang mapakagat sa ibabang labi ko. Damn, ang sarap pa rin niyang halikan. I was in the middle of my daydreaming when my assistant called me. "Miss Valderama?" Umayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa kanya. Tumikhim ako, tapos ay nakataas ang aking kilay na tumingin sa gawi niya, pero nakangising aso siya, kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Tumikhim ako, kaya nagseryoso siyang tumingin sa akin. "What is it, Belinda?" "Here," ipinakita niya sa kanyang iPad. Namilog ang aking mga mata nang makita ang agarang pagtaas sa benta ng aming mga produkto. Whoa. "Ang bilis naman." "Fast shipping kasi, ma'am, plus maganda na ang packaging at effective pa ang product." Nakangiti niyang sinabi. Nakahinga ako nang maluwag kasi, kahit papaano, may mga good news na dumarating sa akin. Akala ko ay halos walang kuwenta lang ang ibabal
Última atualização : 2026-08-16 Ler mais