Pagod na pagod ako nang tuluyang matapos ang huling meeting ko sa opisina.Maghapon akong nakaharap sa mga dokumento, ulat, at ilang kontratang kailangang suriin bago maipasa sa board. May mga pagkakataong gusto ko na lamang ipikit ang mga mata ko at magpahinga, pero marami pa akong kailangang asikasuhin. Mabuti na lamang at may mga empleyadong maaasahan sa kumpanya. Hindi ko kailangang akuin ang lahat ng trabaho, lalo na kung may mga taong handang tumulong.Nang matapos ang lahat, agad akong nag-impake ng mga gamit at nagpaalam sa mga kasamahan ko.“Ma'am Micah, uuwi na po kayo?” tanong ni Lorie nang madaanan ko siya sa pasilyo.“Oo. Bakit?”“Wala po. Ingat kayo sa pag-uwi.”Ngumiti ako. “Ikaw rin. Huwag masyadong magpuyat. May trabaho pa tayo bukas.”“Yes, ma'am!”Paglabas ko ng gusali, agad kong hinanap ang sasakyan ko sa parking area. Pagkaupo ko sa driver's seat, saglit akong nanatiling nakasandal habang nakapikit ang mga mata bago pinaandar ang makina.Bukas na ang birthday ko.
Ler mais