Masakit aminin, ngunit wala akong karapatang magtampo o masaktan. Kung ako ang nasa posisyon niya, malamang na mas masahol pa roon ang gagawin ko sa isang taong paulit-ulit akong hinamak at pinili ang kasinungalingan kaysa sa akin.Binuksan ko ang messaging app at ilang beses sinubukang buuin ang mensahe para sa kanya. Ngunit paulit-ulit ko rin itong binubura dahil pakiramdam ko, walang salita ang sapat o karapat-dapat para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.Sa huli, ipinikit ko ang mga mata ko, huminga nang malalim, at nagtype..[Micah,Alam kong wala akong karapatang humingi ng kahit kaunti mong oras, pero gusto ko sanang sabihin na taos-puso akong nagsisisi sa lahat ng nagawa ko sa iyo. Sa mga masasamang salitang binitiwan ko, sa mga paratang na ibinato ko nang walang patunay, at sa mga pagkakataong hindi kita pinakinggan kahit ikaw ang nagsasabi ng buong totoo.Hindi ko alam kung paano ko kailanman maibabalik ang tiwalang sinira ko, at hindi ko rin inaasahang mapapatawad mo
Ler mais